Daughters of Zion

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Daughters of Zion

Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at pagkatakot. | 1 Pedro 3:15 (SND)


4 posters

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu Apr 03, 2014 7:40 am

    Paksa: "walang katotohanan na may kalagayang espiritwal (tulad ng mga anghel) ang mga taong namatay, na lumakad sa salita ng Diyos at ang mga suwail na hindi lumakad sa salita ng Diyos."


    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) 16139611

    POSITIBO: Iron Solomon of INC
    FB Account: https://www.facebook.com/WisdomOfKingSolomon

    NEGATIBO: Yohanes VaiYngwie of MCGI
    FB Account: https://www.facebook.com/adlib.yngwie

    MODERATOR: Bernard Marquez
    FB Account: https://www.facebook.com/bernard.marquez.71?fref=ufi

    PEANUT GALLERY: Kung saan puede kayo magbigay ng mga katanungan, reaksyon, opinyon , kuro kuro sa kaganapan sa debate, pindutin (CLICK ).

    DEBATE FORMAT:
    Presentation of the Affirmative Side – Hindi lalagpas sa 1,000 words
    Presentation of the Negative Side – Hindi lalagpas sa 1,000 words

    1st Q and A

    • 5 Questions from the Negative Side about sa presentation ng Affirmative na pwedeng sagutin ng Affirnative Side kada Questions at pwede ring i-post na ng Negative side lahat ng 5 Questions at sagutin ng Affirmative Side ng isa-isa. Kung ang tanong ng Negative ay nangangailangan ng sagot na OO o HINDI, sagutin ito ng Affirmative Side ng OO o HINDI kasabay ng paliwanag na merong support na verses sa Bible. Dapat ang sagot sa kada isang question ay hindi lalagpas ng 300 words.


    • 5 Questions from the Affirmative Side about sa presentation ng Negative Side na pwedeng sagutin ng Negative Side kada Questions at pwede ring i-post na ng Affirmative side lahat ng 5 Questions at sagutin ng Negative Side ng isa-isa. Kung ang tanong ng Affirmative Side ay nangangailangan ng sagot na OO o HINDI, sagutin ito ng Negative Side ng OO o HINDI kasabay ng paliwanag na merong support na verses mula sa Bible. Dapat ang sagot sa kada isang question ay hindi lalagpas ng 300 words.


    2nd Q and A

    • 5 Questions from the Negative Side about sa presentation ng Affirmative na pwedeng sagutin ng Affirnative Side kada Questions at pwede ring i-post na ng Negative side lahat ng 5 Questions at sagutin ng Affirmative Side ng isa-isa. Kung ang tanong ng Negative ay nangangailangan ng sagot na OO o HINDI, sagutin ito ng Affirmative Side ng OO o HINDI kasabay ng paliwanag na merong support na verses sa Bible. Dapat ang sagot sa kada isang question ay hindi lalagpas ng 300 words.


    • 5 Questions from the Affirmative Side about sa presentation ng Negative Side na pwedeng sagutin ng Negative Side kada Questions at pwede ring i-post na ng Affirmative side lahat ng 5 Questions at sagutin ng Negative Side ng isa-isa. Kung ang tanong ng Affirmative Side ay nangangailangan ng sagot na OO o HINDI, sagutin ito ng Negative Side ng OO o HINDI kasabay ng paliwanag na merong support na verses mula sa Bible. Dapat ang sagot sa kada isang question ay hindi lalagpas ng 300 words.



    • 1st Rebuttal ng Negative Side na di lalagpag sa 1,500 words


    • 1st Rebuttal ng Affirmative Side na di lalagpas sa 1,500 words


    • 2nd Rebuttal ng Negative Side na di lalagpas sa 1,000 words


    • 2nd Rebuttal ng Affirmative Side na di lalagpas sa 1,000 words


    • Conclusion ng Negative Side na di lalagpas sa 500 words


    • Conclusion ng Affirmative Side na di lalagpas sa 500 words


    Rules of Debate:
    1. WALANG SASAWSAW NA IBA HANGGANG HINDI PA TAPOS ANG DEBATE.
    2. Walang pressure at time limit sa pagsagot kasi me mga trabaho din tayo lahat. Pero kung magagawa sa medaling panahon ay gawin natin.
    3. Walang personal attack at maging maginoo ang bawat isa. Tandaan natin, we are doing this all for the glory of God.
    4. Bawal ang magmura at magsalita sa katunggali ng tanga, bobo,at iba pang kahalintulad na salita. ANG MAGMURA, PANGET!
    5. Hindi pwedeng mag-post ng mga links as reference sa argumento.
    6. Hindi pwedeng mag-comment ang bawat isa hanggang hindi pa tapos ang isa sa presentation at sa rebuttal. Saka na lang ang comment after matapos ang debate.
    7. Respect each other stand.
    8. Give glory and thanks to God after the debate.
    9. Strictly no editing the post (Siguraduin muna ang mga isinulat o itinaype bago ipaskil)
    10. Hintayin ang hudyat ng moderator bago magpaskil.


    Last edited by I-Solomon on Fri Apr 25, 2014 11:31 am; edited 2 times in total
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu Apr 03, 2014 8:24 am

    Pag bati po sa lahat ng mga bumabasa at sumasaliksik ng debateng ito. Ako po ay bumabati sa inyong lahat sa Pangalan ng P.Hesu-Cristo.

    PANIMULA NG APIRMATIBO:

    Noon, uso ang mga babasahing komiks na nabibili lamang sa mga tabing daan na kung saan makakabasa tayo ng maiikling istorya na nakabase sa paniniwala at imahinasyon ng may akda. May nabasa akong komiks na kung saan ang isang istorya ay patungkol sa isang taong namatay na humiwalay ang espiritung (may hugis tao na kalarawan ng namatay) sa kanyang katawan at may kaalaman pa sa mga bagay bagay na nagaganap sa aspeto ng pamumuhay ng tao sa mundo. Marahil ibinase ng may akda ang kanyang istorya batay sa maling pagkaka unawa sa biblia na naipasa o naituro sa mga tao upang ipaunawa na ito ay nagaganap din naman sa reyalidad. Ngunit bago ko patunayan na ito ay isa lamang imahinasyon at maling unawa sa mga salita ng Diyos nagpapakilala ako bilang isang aktibong miembro ng Iglesia ni Cristo na may gamit na username bilang "Iron Solomon", kung nais ng mga mambabasa na tuklasin pa ang mas malalim na pag aaral na pumapaloob dito ay makipag ugnayan lamang sa:

    Philippines (Main Office): Iglesia ni Cristo Central Office,
    No. 1 Central Avenue. New Era. Quezon City 1107 Philippines.
    Fax: (632)981-4333 Email: pasugo©inc.org.ph


    o magpunta sa pinakamalapit ng lokal ng Iglesia ni Cristo sa inyong lugar. Ang debateng ito ay hindi saklaw o otorisado ng tagapamahala ng Iglesia ni Cristo, kaya kung nais niyo ng opisyal na debate ay makipag ugnayan lamang sa nasabing impormasyon sa taas.


    PAGBIGAY NG BUHAY SA TAO NG DIYOS (Paglalang):

    PAANO NILALANG NG DIYOS ANG TAO? | Nilalang ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng kanyang salita, "God said.." (Gen. 1:26).

    *** ANO ANO ANG KOMPOSISYON NG ISANG TAO BATAY SA PAGLALANG? | Ang "alabok" na galing sa lupa at "Hininga" na galing sa Diyos (Gen. 2:7). At ang tao ay tinawag na "kaluluwang may buhay"(v7c).

    ALABOK - Materyal na bagay sa paglalang ng tao.

    HININGA - Sa transliterasyon pang hebreo ay "naphach(5301)" at griego naman ay "pneuma (4151)" interchanjebel ng "Espiritu" sa wikang tagalog. Kaya kapag sinabing "Hininga", tumutukoy din ito sa "Espiritu" na sangkap upang ang tao ay magkaron ng buhay.

    TANDAAN:

    • Walang sinasabi sa ano mang sitas ng biblia na ang tao ay nilalangan (Before Life) ng Diyos ng isang "Espiritung kalagayan" tulad ng kalagayang Anghel na nasa langit na siyang
    sangkap o komposisyon ng isang tao.
    • Wala ring sinasabi sa anumang sitas ng biblia na ang Diyos ay lumalalang (After death) ng isang "Espiritung kalagayan" tulad ng kalagayang Anghel na nasa langit para sa taong namatay bago ang ikalawang pag parito ng P.Hesus-Cristo.
    • Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang sangkap lamang para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit.

    PAGBAWI NG DIYOS SA BUHAY NG TAO (Kamatayan):

    *** ANO ANG MANGYAYARI SA TAO PAGKAMATAY NITO? | Dahil sa ang tao ay nilalang sa "alabok" uuwi din naman ang tao sa "alabok" (Ecc. 3:20). Ang "Espiritu" o "Hininga" na ibinigay ng Diyos sa tao ay babalik din sa Diyos (Ecc. 12:7).

    TANDAAN:

    • Walang mababasa sa mga sitas ng biblia na kapag ang tao ay namatay, ang Diyos ay lumalalang ng "espiritung kalagayan" para sa mga ito.
    • Walang mababasa sa mga sitas ng biblia na kapag ang tao ay namatay, ang tao ay magiging "espiritu sa kalagayan" tulad ng mga Anghel na may kamalayan tulad ng pagpupuri at pagsamba sa Diyos.

    *** MAY KAMALAYAN PABA ANG TAO PAGKAMATAY NITO? | Pagkatapos manumbalik sa "alabok" ang taong namatay at ang "hininga" o "espiritu" nito ay bumalik sa Diyos. Ang tao ay wala ng kamalayan pa o pag iisip man sa araw na yun (Psalms 146:4), maski ang kanilang mga ala-ala ay pinawi na (Ecc. 9:5). Hindi lang sa araw na yun kundi hanggang sa pagka wala ng kalangitan (Job 14:12).

    KARAGDAGANG KAALAMAN UKOL SA PAKSANG PINAG UUSAPAN.


    Ang tao ay hahatulan batay sa mga gawa nito na nakasulat sa mga aklat(Rev. 20:12). At ang hatol na ito ay ang mga bagay na ginawa sa "katawan" ito man ay mabuti at masama (2Cor. 5:10). Kaya kung wala na ang "katawan" dahil sa ito ay bumalik na sa "alabok", wala na silang magagawa pa kahit ito man ay mabuti, tulad ng pagpuri at pagtawag sa Diyos (Psalm 6:5).

    MGA PUNTO DE VISTA:

    Ano ang mga punto bista ng mga patotoo sa taas? Napansin niyo ba na wala pa ang "resureksyon" para sa mga tao na matuwid at di matuwid (Acts 24:15), eh, may nangangaral na di umano'y ang tao kapag namatay ay may "Espiritung kalagayan" na (daw) tulad ng mga Anghel sa langit. Yan po ay (Ekstrabiblikal) na kung saan hindi kasama sa biblia. Sapagkat ang "Espiritung kalagayan" tulad ng isang Anghel ay nagtataglay ng imortalidad. Samantalang ang immortalidad o ang buhay na walang hanggan ay makakamtam lamang sa ikalawang pag parito ng P.Hesus-Cristo.


    MGA DAPAT ABANGAN BYUWERS:

    Ano ang tiyak na aabangan natin sa aking ka diskusyon? aabangan natin ang mga talatang kaparehas ng (Rev. 6:9-10, 1Peter 3:18-19, Eph. 4:7-10) at ang mga katuruan ukol sa "Patay" at "Espiritu" na kung saan inaasahan ko na ilalabas ng ating ka diskusyon, at tiyak sa malamang KARAGDAGANG KAALAMAN ITO SA MGA BUMABASA KUNG PANO NATIN SILA ITATAMA SA TAMANG

    Sa pagpapatunay ng apirmatibo sa paksang ito pinatutunayan din ng apirmatibo na walang destinasyon ang mga tao (Matuwid at Di-Matuwid)na pumanaw na tulad ng (Purgatoryo, Limbo, Ilalim ng dambana etc.) upang sila ay matipon doon, sapagkat kung hindi din ito mapapatunayan ng aking aking ka diskusyon na kung saan saan ang destinasyon(pinalalagihan) ng mga taong namayapa na. Ang pagkakaron ng isang "espiritwal na kalagayan" ng taong namayapa ay walang katotohanan at batay lamang sa imahinasyon ng maling unawa sa mga sitas.



    SA DIYOS AMA LAHAT ANG KAPURIHAN!

    - Iron Solomon.
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Thu Apr 03, 2014 9:17 am

    PANIMULA NG NEGATIBO:

    Kapayapaang mula sa Dios Ama ang suma-ating lahat!

    Ecc 7:27 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi ng Mangangaral, NA INIAAGAPAY ANG ISANG BAGAY SA IBA, upang matagpuan ang kadahilanan:


    Sa ngalan ng katotohanan,ang ‘friendly discussion’ na ito ay naisakatuparan upang talakayin at ikumpara(iniaagapay) ang conflicting beliefs tungkol sa tema.

    Ako(Yohanes) ay isang aktibong kaanib ng Members CHURCH OF GOD Intl na tumatayo bilang negatibo sa usapin na ito.

    Katulad ng kaibayo,ipinagpapauna ko po na ang anomang maibabahagi ko ay walang opisyal na pahintulot o hindi otorisado ng pangangasiwa ng samahan na aking kinaaniban.Itoy pagbabahagi lamang ng abot ng aking pananampalataya na aking natanggap/naunawaan sa aming samahan.

    Ang mga tagasubaybay ay pwedeng makapakinig mismo sa aming mga Taga-akay(Mangangaral) sa aming daily programs sa UNTV37 and UNTVRadio LaVerdad,internet webcasts sa www.theoldpath.tv at websites www.angdatingdaan.org at www.mcgi.org or makapagtanong directly sa kanila LIVE sa aming Bible Expo tuwing Friday at Weekly Consultation tuwing Sabado sa aming Thanksgiving offering.

    Ang aking bahagi ay patotohanan na MAY KALAGAYANG ESPIRITWAL ang MGA NAMATAY maging masama man ito o mabuti pagkamatay nila sa laman.Paglilinaw,gaya ng mga naipost ko ng nakaraan,ang tinutukoy ko(specifically) sa tema na ‘KALAGAYANG ESPIRITU’ ay ito ANG ESPIRITU(ESSENCE) NA BUHAY(LIVING) GALING SA DIOS NA IBINIGAY SA MGA TAO NUNG ITO AY UMIRAL SA LUPA KALAKIP NITO ANG KAMALAYAN AT DAMDAMIN.

    Ang isang tao ay nilalang ng Dios taglay ang katawan(ukol sa lupa) at ang espiritu(as mentioned above) na bigay ng Dios,yun nga po ang hininga ng buhay at ang tao ay naging KALULUWANG MAY BUHAY(Gen 2:7).

    Kapag ang espiritu na bigay ng Dios ay humiwalay na sa katawan ng tao,ang tawag sa KATAWAN NA WALANG ESPIRITU ay PATAY.Ito yung patay na nasa libingan na wala ng kaalaman,wala ng kamalayan o wala ng pakiramdam.Ito yung patay na HINDI na makakapuri sa Dios.

    James 2:26 Sapagka't kung paanong ANG KATAWAN NA WALANG ESPIRITU AY PATAY, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.


    Entonses,Ang katawan na ‘MAY ESPIRITU’ ay BUHAY.
    Sa madaling sabi,ang ESPIRITU na bigay ng Dios ANG BUMUBUHAY SA KATAWAN AT NAGBIBIGAY KAMALAYAN nito kasi ‘buhay ang katawan’ as long intact ang espiritu nito sa katawan.

    **A.ESPIRITU NG MGA TAONG GANAP(LUMAKAD SA SALITA NG DIOS) **

    Kapag ang isang tao ay namatay,considering the bible in its entirety,ang ESPIRITU ng MGA GANAP(yaong katanggap-tanggap sa Dios at pumasa sa pamantayan ng Dios),BUMABALIK po ito sa Dios(Ecc12:7).

    Yung mga ito ang tinatawag sa Biblia na mga ESPIRITU ng mga TAONG GANAP na PINASAKDAL na kasama ng Dios sa langit;


    Heb 12:22 Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,

    Heb 12:23 Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, AT MGA ESPIRITU NG MGA TAONG GANAP NA PINASAKDAL,



    >MAYROONG binabanggit ang biblia na MGA ESPIRITU ng MGA TAONG GANAP na pinasakdal.Syempre,ANG KALAGAYAN NG MGA ITO AY ESPIRITU ANG KALAGAYAN, as the verse says.

    Sa context ng sitas,kasama sa mga NILAPITAN ng mga Cristiano ayon sa Hebrew writer ang MGA ESPIRITU ng mga TAONG GANAP na pinasakdal.


    » PANSININ:sinabi yan sa mga alagad samantalang WALA pa ang resurrection.



    **B.ESPIRITU NG MGA TAONG SUWAIL(HINDI LUMAKAD SA SALITA NG DIOS)**


    Sa kabilang banda,may mga espiritu ng mga yumao na HINDI bumabalik sa Dios kundi ikinukulong sa isang bilangguan.Sila yaong mga HINDI GANAP(suwail) sa salita ng Dios.

    1Pe 3:18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; SIYANG PINATAY SA LAMAN, NGUNI'T BINUHAY SA ESPIRITU;

    1Pe 3:19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga ESPIRITUNG NASA BILANGGUAN,

    1Pe 3:20 NA NANG UNANG PANAHON AY MGA SUWAIL, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili NOONG MGA ARAW NI NOE, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:


    » PANSININ:binaggit din ito sa mga alagad samantalang WALA pa ang paghuhukom.


    Sa aking bahagi,aking nailatag ANG MGA PAUNANG BATAYAN ng aking paniniwala na may ESPIRITUNG KALAGAYAN ang isang taong namatay.

    TAKE NOTE:

    •KAPAG NAMATAY ANG TAO,MAY SANGKAP ITO NA HINDI MAMAMATAY.Ang namamatay yung KATAWAN(material) pero yung KALULUWA (na ESPIRITU ang kalagayan) ay HINDI kasamang namamatay na kasabay ng katawan.Ito ay ARAL ng Biblia na mapapatotohanan ng iyong lingkod sa tulong ng Dios sa tema na ito.

    •Sa MGA GANAP sa Dios,ang kanilang ESPIRITU ay BUMABALIK SA DIOS sa langit samantalang hindi pa naghuhukom.On the other hand,sa MGA HINDI GANAP ay may sinasabi ang kasulatan na may bilangguan kung saan IKUKULONG ANG KANILANG MGA ESPIRITU samantalang hindi pa naghuhukom.

    <PRAISE AND THANKSGIVING BE TO GOD ALWAYS!>
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Thu Apr 03, 2014 9:36 am

    Five(5) Questions galing sa NEGATIBO na sasagutin ng APIRMATIBO

    Q1.Ayon sa Ecc12:7,tinatanggap mo ba na ESPIRITU ang essence(kalagayan) nung BUMABALIK sa Dios pagkamatay ng isang tao?


    Q2.Ginamit mo ang Gen2:7, sinulat mo 'At ang tao ay tinawag na kaluluwang may buhay',


    tanong:Namamatay din ba ang kaluluwa ng isang tao pagkamatay ng kanyang katawan?(pls supply verses in your answer and explain)


    Q3.Ayon sa naituro sayo,kailan(anong punto ng kasaysayan ng tao) namamatay o pwedeng mapuksa ang kaluluwa ng tao?


    Q4.Considering the entirety of the Bible,tinatanggap mo ba na pwedeng tawaging KALULUWA ang HUMIHIWALAY sa KATAWAN ng TAO pag namatay ito,o KALULUWA din ang KINUKUHA(binabawi) NG DIOS pag pumanaw ang isang tao?(pls elaborate answer kung OO o kaya naman ay HINDI)



    Q5.
    [Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang sangkap lamang para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit]

    tanong:Sa mga sangkap ng tao,tinatanggap mo ba ayon sa biblia na ang KALULUWA ng tao ay yun ang sangkap ng tao na buhay na nakakaramdam,may kamalayan,at capable ding sumampalataya sa Dios?(supply answer if yes or no with verses and explain)


    salamat!
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu Apr 03, 2014 10:00 am

    Pag bati po sa lahat ng mga bumabasa at sumasaliksik ng debateng ito. Ako po ay bumabati sa inyong lahat sa Pangalan ng P.Hesu-Cristo.

    Yohanes wrote:Q1.Ayon sa Ecc12:7,tinatanggap mo ba na ESPIRITU ang essence(kalagayan) nung BUMABALIK sa Dios pagkamatay ng isang tao?

    Answer: Hindi po, kapag denipayn po natin ang “kalagayan” batay sa paksa na "walang katotohanan na may kalagayang espiritwal (tulad ng mga anghel).” Dahil ang “espiritu” na binabanggit sa Ecc12:7 ay hindi po isang “espiritu” na may hugis tulad ng tao na may kamalayan , kundi isang “Hininga” na inilagay lamang sa ilong ng tao upang mabuhay, na yan din ang ipinagkatiwala ni Hesus sa Diyos Ama bago siya namatay (Luke 23:46). 

    Yohanes wrote:Q2.Ginamit mo ang Gen2:7, sinulat mo 'At ang tao ay tinawag na kaluluwang may buhay',
    tanong:Namamatay din ba ang kaluluwa ng isang tao pagkamatay ng kanyang katawan?(pls supply verses in your answer and explain)

    Answer: Kung ang “kaluluwa” patungkol sa “5315 nephesh “ ay marami po itong pinag uukulan. Kaya merong namamatay (napapawi) batay sa pinag uukulan nito at may naiiwan. Dahil ang tanong kung ito ba ay namamatay, alin po sa mga ito ang namamatay? Isang halimbawa po dito yung “kaluluwa” o “life” na katumbas rin sa “5315 nephesh “ na tinatawag ukol sa “Dugo” o “blood is life” (Deut.12:23) kaya kapag ang tao ay nawalan (napawi, dumaloy sa alabok, natuyo) ng “Dugo” ito ay magdudulot sa kamatayan ng tao pati ng pagkaparam ng kanyang “dugo”.

    Yohanes wrote:Q3.Ayon sa naituro sayo,kailan(anong punto ng kasaysayan ng tao) namamatay o pwedeng mapuksa ang kaluluwa ng tao?

    Answer: Dahil ang “5315 nephesh “ ay maraming pinatutungkulan, pagka puksa ng kaluluwa ng tao ay nahahati sa dalawa pagkapuksa sa “unang kamatayan” yan yung halimbasa sa Q2 at pagkapuksa sa “ikalawang kamatayan” yan yung nasa (Ezek. 18:4).


    Yohanes wrote:Q4.Considering the entirety of the Bible,tinatanggap mo ba na pwedeng tawaging KALULUWA ang HUMIHIWALAY sa KATAWAN ng TAO pag namatay ito,o KALULUWA din ang KINUKUHA(binabawi) NG DIOS pag pumanaw ang isang tao?(pls elaborate answer kung OO o kaya naman ay HINDI)

    Answer: Kahit dalawang fold ang tanong ay sasagutin ko narin po ito. “Considering the entirety of the Bible,tinatanggap mo ba na pwedeng tawaging kaluluwa ang humihiwalay sa katawan ng tao pag namatay ito,”, opo tulad nga po ng sinasabi ko ang salitang (Soul,Kaluluwa, Nephesh) ay marami pong pinag uukulan tulad ng halimbawa ko po sa answer #2 ito ay ang “buhay, Sarili, Sariling Emosyon, Dugo” . 

    ikalawang tanong “..o KALULUWA din ang KINUKUHA(binabawi) NG DIOS pag pumanaw ang isang tao?(pls elaborate answer kung OO o kaya naman ay HINDI)” opo Diyos din ang bumabawa o kumukuha sa “Life” o “5315 nephesh “ dahil ang Diyos ang source of life, ang Diyos din ang creator ng “kaluluwa” o “buhay” at ng lahat ng mga bagay (Genesis 1,2).

    Yohanes wrote:Q5.[Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang sangkap lamang para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit]

    tanong:Sa mga sangkap ng tao,tinatanggap mo ba ayon sa biblia na ang KALULUWA ng tao ay yun ang sangkap ng tao na buhay na nakakaramdam,may kamalayan,at capable ding sumampalataya sa Dios?(supply answer if yes or no with verses and explain)

    Answer: Tulad nga po ng sinasampalatayanan ko ang terminong “kaluluwa” na “5315 nephesh “ eh marami pong pinag uukulan, tulad ng sinasabi niyo yan po ay tumutukoy din sa emosyong nararamdaman (busilak na kalooban, saya, lungkot, galit, at kung ano ano pa) pero hindi ito isang “Being” o nasa “state of being” kundi isang “emosyong nararamdaman”. Tulad ng phrase na “you have a beautiful soul inside” hindi po ito nangangahulugan na merong “state of being” (tulad ng Espritung Anghel) na nasa loob ng katawan ng tao kundi merong nakikita ang isang tao doon sa tao na kagandahang loob o busilak na kalooban. Kaya nga ang tanong ng biblia na siyang nandun na rin ang sagot sapagkat ito ay retorikal: “Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? (Psalm 6:5 ). Kaya ang sagot batay sa tanong mo ay "No".


    - Iron Solomon.
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu Apr 03, 2014 10:16 am

    Mabiyaya at mapag palang araw po sa ating lahat, at napaka buti po ng ating Panginoong Diyos sapagkat nagtagumpay muli ang isang malaking gawain ng Iglesia ni Cristo na "world wide walk" upang higit na makatulong pa sa mga taong naapektihan ng kalamidad na Yolanda.


    » » Instraksyon: Multipol Choys.

    • Gusto ko po linawin kaibigan na ang paksa natin ay patungkol sa “espiritung kalagayan” tulad ng mga Anghel. Kaya ang nais ko pong klaruhin sa pamamagitan ng tanong:

    #1 Tanong: Yun bang “espiritung kalagayan” tulad ng mga Anghel at ang “kaluluwa” na siya ninyong aral sa Ang Dating Daan ay parehas lamang ba? (walang pagkakatangi, walang pagkakaiba)? 

    A.) OO parehas lang (Paki talataan at paliwanag)
    B.) Hindi parehas (Paki talataan at paliwanag)
    C.) DIPENDE, May ibang kaukulan sa terminong “Kaluluwa” na parehas lamang sa “Espiritung kalagayan” tulad ng mga Anghel. (Paki talataan at paliwanag) 


    #2 Tanong: Ayon po sa intindi niyo sa (1Pe 3:18-19) batay sa aral ng Ang Dating Daan, ano po ang dahilan (purpose) ni Cristo kung bakit nangaral kamo ang kanyang “kalagayang espiritu” sa ka ilaliman ng lupa, doon sa mga “Espiritu” ng mga suwail na namayapa sa panahon ng baha o Noah's flood? (Paki talataan at paliwanag)


    » » Instraksyon: Multipol Choys.


    • Ayon din po sa tanong #2 at batay po sa inyo lumalabas, na sa mga tagpong yon sa ikailaliman ng lupa ay nangaral ang “Espiritung kalagayan” ni Cristo (1Pe 3:18-19).


    #3 Tanong: ano ang aral (salita ng Diyos) ang itinuro ng “espiritung kalagayan” ni Cristo sa kailaliman ng lupa doon sa mga suwail na nasawi sa panahon ng Noah?

    A.) Mga aral sa lumang tipan. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    B.) Mga aral sa bagong tipan. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    C.) Parehas (A at B). (Pakitalataan at paki paliwanag)
    D) Dipende. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    E.) Wala sa nabanggit. (Pakitalataan at paki paliwanag)


    • Sabi niyo po: 
    Yohanes wrote:Sa kabilang banda,may mga espiritu ng mga yumao na HINDI bumabalik sa Dios kundi ikinukulong sa isang bilangguan.Sila yaong mga HINDI GANAP(suwail) sa salita ng Dios.

    Ayon po sa inyo mga may espiritu na yumao na HINDI bumalik sa Dios kundi ikinukulong sa isang bilangguan.

    #4 Tanong: Saan naman po yung mga espiritu ng mga taong “Ganap” na lumakad sa salita ng Diyos tulad nila Noah, pagkatapos nilang mamayapa habang wala pa ang ikalawang pag parito ni Cristo? (Pakitalataan at paki paliwanag).


    • Kung may malaking posibilidad maligtas ang mga taong suwail na namayapa na sapagkat ayon sa turo niyo eh nangaral ang “espiritung kalagayan ni Cristo” sa kailaliman ng lupa doon sa mga suwail na namayapa sa panahon ni Noah.

    #5 Tanong: Ano po ang batayan, sukatan, hustisya na gagawin ng Diyos sa mga ito upang sila ay maligtas pa, bagkus kinamatayan nila ang pagiging suwail sa mga aral ng Diyos? (Pakitalataan at paki paliwanag)


    - Iron Solomon
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Thu Apr 03, 2014 10:45 am

    Five(5) ANSWERS galing sa NEGATIBO sa mga tanong(5) ng APIRMATIBO

    Magandang araw mga kaibigan at sa lahat!

    I-Solomon wrote:#1 Tanong: Yun bang “espiritung kalagayan” tulad ng mga Anghel at ang “kaluluwa” na siya ninyong aral sa Ang Dating Daan ay parehas lamang ba? (walang pagkakatangi, walang pagkakaiba)?

    >>Sagot1: Letra B,HINDI PAREHAS

    Considering “ESSENCE”, pareho silang ESPIRITU.Pero dahil nga ang tanong kung WALANG PAGKAKATANGI BA O PAGKAKAIBA?..ang sagot ko HINDI PAREHAS.
    Bakit?

    SA ANGHEL,
    >ang essence nun talaga ay ESPIRITU ;gawa sa hangin.HINDI YUN NANGAILANGAN NA MAGKAROON NG KATAWANG LUPA NUNG LIKHAIN NG DIOS.

    *Heb1:7,14-Yaong ginagawang MGA ANGHEL NIYA ANG MGA HANGIN,.. SILANG LAHAT AY MGA ESPIRITUNG TAGAPAGLINGKOD...

    SA TAO,
    >MAY BIGAY NA HININGA ANG DIOS AT IPINANGANAK NA ESPIRITU(ESPIRITU NG TAO) nung UMIRAL ITO na NAGTAGLAY ng KATAWANG LUPA.

    *Gen2:7-may HININGA na bigay ang Dios,yun ang hininga ng buhay kalakip ang alabok kaya naging KALULUWANG MAY BUHAY.
    *Juan3:6-may ipinanganak na ESPIRITU sa loob ng tao

    Ang BUHAY NA ESPIRITU NA NASA LOOB NG TAO,sa kabuoan,yun ang tinatawag na KALULUWA NG TAO,isang BEING na taglay ang buhay,kamalayan,kaisipan at damdamin.

    THEIR MANNER OF CREATION IS DIFFERENT.


    I-Solomon wrote:#2 Tanong: Ayon po sa intindo niyo sa (1Pe 3:18-19) batay sa aral ng Ang Dating Daan, ano po ang dahilan (purpose) ni Cristo kung bakit nangaral kamo ang kanyang “kalagayang espiritu” sa ka ilaliman ng lupa, doon sa mga “Espiritu” ng mga suwail na namayapa sa panahon ng baha o Noah's flood? (Paki talataan at paliwanag)

    >>Sagot2:Ang dahilan ng pangangaral sa mga ESPIRITU NG MGA PATAY na mga suwail ay para magbigay ng PAG-ASA SA KALIGTASAN ang mga espiritung ito NA HINDI NAPANGARALAN AT NAKARINIG NG ARAL NI CRISTO.

    sabi sa earlier verse,UPANG TAYO AY MADALA NIYA SA DIOS(1Pe 3:18)..tapos ang dugtong,..{NA IYAN DIN ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan}

    1Pe 4:6 Sapagka't DAHIL dito'y IPINANGARAL MAGING SA MGA PATAY ANG EVANGELIO, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, DATAPUWA'T MANGABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS.

    >Pansinin ang huling bahagi; DATAPUWA'T MANGABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS.Ang isang ESPIRITU na kaluluwa ng tao kahit naman WALA nang KATAWANG LUPA ay makakagawa pa rin naman gaya ng {MABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS.}

    Si Cristo ay HINDI mangangaral ng evangelio sa mga ESPIRITU kung WALA naman pala maliligtas.

    Don’t Forget:ANG EVANGELIO ANG KAPANGYARIHAN NG DIOS SA IKALILIGTAS NG MGA SUMASAMPALATAYA(Roma1:16)

    “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ANG EVANGELIO: sapagka't siyang KAPANGYARIHAN NG DIOS SA IKALILIGTAS NG BAWA'T SUMASAMPALATAYA...”

    Ang kaluluwa ng tao ay capable makinig sa aral at sumampalataya sa Dios(Mat22:37).May malay nga po di ba!Ang ESPIRITU NI PABLO ay nakakapanalangin eh..

    Sabi niya,
    Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika, AY NANANALANGIN ANG AKING ESPIRITU..(1Cor14:14)

    Sa pakikinig sa aral ng evangelio,nagkakaroon ng pananampalataya(Roma10:14-17)

    Hindi po kataka-taka na yun ang sinulat ni Pedro na ipinangaral sa mga espiritu ng mga namatay nung una-UPANG sila man ay MADALA Niya sa Dios at MABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS(1Ped3:18-19,4;6).


    I-Solomon wrote:#3 Tanong: ano ang aral (salita ng Diyos) ang itinuro ng “espiritung kalagayan” ni Cristo sa kailaliman ng lupa doon sa mga suwail na nasawi sa panahon ng Noah?

    A.) Mga aral sa lumang tipan. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    B.) Mga aral sa bagong tipan. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    C.) Parehas (A at B). (Pakitalataan at paki paliwanag)
    D) Dipende. (Pakitalataan at paki paliwanag)
    E.) Wala sa nabanggit. (Pakitalataan at paki paliwanag)


    >>Sagot3:Letra B. MGA ARAL SA BAGONG TIPAN.

    Naibigay ko na sa taas ang sitas na batayan.Si Pedro kasi ang nagsulat na nangaral si Cristo sa MGA ESPIRITU ng mga NAMATAY na sa bilangguan(1Ped3:19) kaya siya rin ang nagsupply ng detalye ano ba ang ipinangaral..

    Ang sabi ni Pedro-ang ipinangaral sa mga patay ay ang EVANGELIO.

    1Pe 4:6 Sapagka't dahil dito'y IPINANGARAL MAGING SA MGA PATAY {ANG EVANGELIO}, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, DATAPUWA'T MANGABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS.

    >ANG EVANGELIO NA KATUWIRAN(JUSTICIA) NG DIOS ANG IPINANGARAL SA KANILA



    I-Solomon wrote:#4 Tanong: Saan naman po yung mga espiritu ng mga taong “Ganap” na lumakad sa salita ng Diyos tulad nila Noah, pagkatapos nilang mamayapa habang wala pa ang ikalawang pag parito ni Cristo? (Pakitalataan at paki paliwanag).


    >>Sagot4:Actually,naibigay ko na din mismo ang sagot sa panimula kong tindig.Ang ESPIRITU NG MGA GANAP ay bumabalik sa Dios SA LANGIT..



    Heb 12:22 Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,

    Heb 12:23 Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala SA LANGIT, at sa Dios na Hukom ng lahat, AT MGA ESPIRITU NG MGA TAONG GANAP NA PINASAKDAL,


    > Ang ESPIRITU NG MGA GANAP ay bumabalik sa Dios..SA LANGIT.]



    I-Solomon wrote:#5 Tanong: Ano po ang batayan, sukatan, hustisya na gagawin ng Diyos sa mga ito upang sila ay maligtas pa, bagkus kinamatayan nila ang pagiging suwail sa mga aral ng Diyos? (Pakitalataan at paki paliwanag)


    >>Sagot5:Naipakita ko na po sa mga sagot ko sa nauna na mga tanong na EVANGELIO ang ipinangaral sa mga “patay”.


    Rom 1:16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ANG EVANGELIO: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

    Rom 1:17 Sapagka't dito {ANG KATUWIRAN} ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

    Ang ginamit na salita sa KATUWIRAN ay;

    G1343
    δικαιοσύνη
    DIKAIOSUNĒ
    dik-ah-yos-oo'-nay

    From G1342; EQUITY (of character or act); specifically (Christian) JUSTIFICATION: - RIGHTEOUSNESS

    Ang ipinangaral sa kanila ay ang EVANGELIO NA KATUWIRAN(HUSTISYA) NG DIOS..yun ang primary na sukatan.
    Pero HINDI po natatapos ang sukatan doon, may isa pang batayan ng kaligtasan;

    Jam 2:13 Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ANG AWA AY LUMULUWALHATI LABAN SA PAGHUHUKOM

    >Ang Final Say pa rin ay ang AWA NG DIOS, nasa Dios kung kakaawaan pa sila. Prerogative po ng Dios yung MAAWA sa gustong kaawaan Niya(Roma9:15)

    Afterall,ang Dios ang nakakatarok ng puso ng tao kung TALAGANG MASAMA ITO TALAGA at hindi worth ang AWA ng Dios o kaya naman NAHAWA LAMANG SA MGA PANDARAYA NG MASAMA kaya naging suwail.

    Ang sagot sa tanong:ang gagamiting batayan yung dikaiosune(KATUWIRAN,HUSTISYA) ng Dios na EVANGELIO na ipinangaral at ang Kaniyang AWA.
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Thu Apr 03, 2014 10:53 am

    Five(5) Questions From Negative na sagutin ng Affirmative(2nd Round)

    Greetings of Peace!

    Q1:Sabi mo,


    [kundi isang “Hininga” na inilagay lamang sa ilong ng tao upang mabuhay, na yan din ang ipinagkatiwala ni Hesus sa Diyos Ama bago siya namatay]


    Tanong1:Considering the Bible in its entirety,yung sinasabi mong ISANG HININGA(na ayon sau walang being) na inilalagay sa ILONG,YUN LAMANG BA ang ESPIRITU na bigay ng Dios sa pagkato ng isang tao sa pag-iral niya sa lupa?
    (Pls elaborate,use verses to support answer)


    Q2:Sabi mo,


    [pagka puksa ng kaluluwa ng tao ay nahahati sa dalawa pagkapuksa sa “unang kamatayan”]


    Tanong2:Saan sa aral ng Dios sa biblia nababasa na NAPUPUKSA din ang KALULUWA(G5590-psuchē) ng tao pagkamatay(the moment) ng katawan(laman)?

    (magbigay ng sitas na batayan na may aral ang Biblia na namamatay kasabay ng katawan ang kaluluwa(G5590) ng tao sa unang kamatayan)

    Q3:Sabi mo,


    [ang “espiritu” na binabanggit sa Ecc12:7 ay hindi po isang “espiritu” na may hugis tulad ng tao na may kamalayan,]


    Premise:
    Luk 9:30 At narito, DALAWANG LALAKE AY NAKIKIPAGUSAP SA KANIYA, na ang mga ito'y SI MOISES AT SI ELIAS;

    Luk 9:31 Na NAPAKITANG MAY KALUWALHATIAN, at NANGAGUUSAPAN NG TUNGKOL SA KANIYANG PAGKAMATAY na malapit niyang ganapin sa Jerusalem.

    Luk 9:32 Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwa't nang sila'y mangagising na totoo ay NAKITA NILA ang kaniyang kaluwalhatian, AT ANG DALAWANG LALAKING NANGAKATAYONG KASAMA NIYA.

    Tanong3:Kung ang paniwala mo yung ESPIRITU ng mga namatay ay WALANG HUGIS TULAD NG TAO NA MAY KAMALAYAN,PAPAANO NAKITA NINA PEDRO SINA ELIAS AT MOISES NA {NAKIKIPAG-USAP} PA MISMO sa P.Jesus ayon sa ulat na nasa Lukas 9:30?


    Q4:Sabi mo,


    [tulad ng sinasabi niyo yan po ay tumutukoy din sa emosyong nararamdaman]


    Tanong4:Saang parte ng pahayag ko sinabi ko na TUMUTUKOY DIN sa EMOSYONG NARAMDAMAN ANG KALULUWA?

    (moderator,PLS TAKE NOTE ITO,kung HINDI niya mapatunayang sinabi ko na TUMUTUKOY DIN ang kaluluwa sa EMOSYONG NARARAMDAMAN,this is simply a FALLACIOUS statement galing sa kaibayo)

    Q5:Sabi mo,


    [tumutukoy din sa emosyong nararamdaman (busilak na kalooban, saya, lungkot, galit, at kung ano ano pa) pero hindi ito isang “Being” o nasa “state of being”..]


    Luk 12:19 At sasabihin ko sa aking {KALULUWA, KALULUWA,} marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.

    Luk 12:20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong {KALULUWA-G5590}; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?

    Tanong5:Ayon sa Lukas 12:19-20,yun bang tinutukoy dun na kinakausap ng TAO at hinihingi ng Dios ay HINDI state of being na kaluluwa(65590) at ito pala ay emosyong nararamdaman?(pls elaborate answer,take note:Hindi BUHAY ang ginamit sa sitas kundi KALULUWA- G5590)
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu Apr 03, 2014 11:12 am

    Isang mapayapa at mapagpala po sa ating lahat, muli sana ay gabayan po ulit tayo ng P.Diyos sa ating ginagawang pag sasaliksik.

    Yohanes wrote:Tanong1:Considering the Bible in its entirety,yung sinasabi mong ISANG HININGA(na ayon sau walang being) na inilalagay sa ILONG,YUN LAMANG BA ang ESPIRITU na bigay ng Dios sa pagkato ng isang tao sa pag-iral niya sa lupa?
    (Pls elaborate,use verses to support answer)

    • SAGOT : » » Kung ang usapin po ay sangkap upang magkaron ng buhay ang isang tao meron pong ibinigay ang Diyos yan ang "Espritu" na intercheynjabol term ng "Hininga" (Gen.2:7) ayon sa "pagkatao ng isang tao" o sangkap para mabuhay ang isang tao kaya kung yan ay OO yan lamang. Pero meron ding ibinigay ang Diyos na "Espiritu" na intercheynjabol term naman sa "Hangin" na siyang kailangan din ng tao sa kanyang pag iral (John 3:8 ). Meron ding ibinigay ang Diyos na "Espiritu" sa mga taong hinirang niya, na siya namang inuukol sa "karunugan" at "rebelasyon" sa pag iral niya (Eph. 1:17). Meron ding "Espiritu" o tinatawag na "holiespirit" na siyang ibinigay sa mga taong sumusunod sa Diyos sa pag iral niya (Acts 5:32) ang "holiesprit" na yan ay siya ring "kapangyarihan" na ibinigay sa mga taong hinirang (Acts 1:8 ) sa pag iral niya. Marami pa kaya hindi lang "Hininga" o "Espiritu" ang siyang ibinigay ng Diyos sa mga tao sa kanilang pag iral sa mundong ito. Ibat ibang klase pa.

    Yohanes wrote:Tanong2:Saan sa aral ng Dios sa biblia nababasa na NAPUPUKSA din ang KALULUWA(G5590-psuchē) ng tao pagkamatay(the moment) ng katawan(laman)?

    (magbigay ng sitas na batayan na may aral ang Biblia na namamatay kasabay ng katawan ang kaluluwa(G5590) ng tao sa unang kamatayan)

    • SAGOT : » » Tandaan po ninyo mga kaibigan ang “kaluluwa” o “Soul” ay maraming “pinag-uukulan” sa taas palang po ay sinagot na po yan ng inyong lingkod, ito rin ay intercheynjabol sa term na “Life” sa strong concordance (5315. nephesh ) at katumbas ito sa griego ng (5590. psuché ) . Ang isa sa patotoo ay ang nasa talata (Lev. 17:11 ) at ang “Life” o “Soul/Kaluluwa” ay nasa “Dugo/Blood” kaya sinabing “The blood is the life” (Deut. 12:23 ). Kaya kung ang “Soul/Kaluluwa” na siyang “nasa dugo” ay humiwalay sa katawan ng tao ay wala na itong “awareness”, “consciousness”, o kapasidad na makapuri pa sa Diyos in short hindi mortal sapagkat babalik ito sa alabok.

    "Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?” - (Psalm 30 :9)

    Ang talatang (Psalm 30 :9) ay isang retorikal na pangungusap kung saan nandun narin ang kasagutan. Sa maigsing salita kung ang “kaluluwa/Life” ay nasa “Dugo” o ang “kaluluwa/life” ay siyang ring Dugo, batay sa (Deut. 12:23 ). Ito ay wala ng pakinabang pa sapagkat ang dugo na siyang “kaluluwa/life” ay mauuwi sa alabok. Matutuyo ito sa katawan ng tao, hanggang sa ang katawan ay mauwi sa alabok at mapukaw at wala na itong pakinabang pa.

    Yohanes wrote:Tanong3:Kung ang paniwala mo yung ESPIRITU ng mga namatay ay WALANG HUGIS TULAD NG TAO NA MAY KAMALAYAN,PAPAANO NAKITA NINA PEDRO SINA ELIAS AT MOISES NA {NAKIKIPAG-USAP} PA MISMO sa P.Jesus ayon sa ulat na nasa Lukas 9:30? 

    • SAGOT : » » Tandaan po ninyo mga kaibigan wala pong sinasabi sa talatang (Luke 9:30-32) na nakita nila Apostol Pedro si Elias at Moises sa pamamagitan ng (Mata) na nasa kalikasang Espiritu tulad ng mga Anghel, tulad ng isang tao na may hugis, maybalbas,may puting buhok at kung ano ano pang makikita sa tao na “pinalabo lamang ang opacity” na mala “casper the friendly ghost” ang datingan. Paano ba nakita nila Pedro ang dalawa? Nakita nila ito sa pamamagitan ng “Vision” o “Pangitain” habang naka pikit ang kanilang mga mata.

    Tandaan:

    » Ayon sa talata ang dalawa (Moises, Elias) ay nakikipag usap kay Hesus ayon sa “kamatayan” nito o “departure”, “decease” sa wikang english na magaganap sa Jerusalem. (v30-31)
    » Pero batay sa (v32) Sila Pedro ay nasa pagkaka tulog o (5258. hupnos ) hindi lang basta inaantok nasa mabigat na pagkakaantok na nasumpungan sa pagkakatulog o (916 bebarēmenoi). Basahin ang salin sa (KJV v32).
    » Ano ang pruweba na “Vision” o “pangitain” ang nakita nila sa account ni Lukas? Mababasa ang suportang account na ito sa (Mat.17.2-9KJV) ang sabi ng talata “..Tell the vision to no man”(v9). Tama ba ang saling “vision” ng (KJV) at ng “pangitan” ng (SND) nakaka siguro tayong tama batay sa strong concordance (3705. horama) ang ginamit.
    » Ayon sa (v32) nakita nila si Moises, Elias at ang kaluwalhatian ni Cristo, ng sila ay magising sa pagkaka tulog (1235. diagrégoreó ). Hindi sa pamamagitan ng mga “mata” kundi ng mga pangitain through “mind” tulad ng kay Propeta Daniel (Dan. 7:15) habang sila ay nagpapahinga.
    » Kaya sa huli sinabi sa talata na hindi alam ni Pedro ang kanyang mga sinabi patungkol sa nais niyang gawin, na yun ang paglalagay ng tatlong kubol/dampa para sa tatlo.

    Yohanes wrote:Tanong:Saang parte ng pahayag ko sinabi ko na TUMUTUKOY DIN sa EMOSYONG NARAMDAMAN ANG KALULUWA? 

    (moderator,PLS TAKE NOTE ITO,kung HINDI niya mapatunayang sinabi ko na TUMUTUKOY DIN ang kaluluwa sa EMOSYONG NARARAMDAMAN,this is simply a FALLACIOUS statement galing sa kaibayo) 

    RE-POST (sagot ng inyong lingkod apirmatibo)


    I-Solomon wrote:Answer: Tulad nga po ng sinasampalatayanan ko ang terminong “kaluluwa” na “5315 nephesh “ eh marami pong pinag uukulan, tulad ng sinasabi niyo yan po ay tumutukoy din sa emosyong nararamdaman (busilak na kalooban, saya, lungkot, galit, at kung ano ano pa) pero hindi ito isang “Being” o nasa “state of being” kundi isang “emosyong nararamdaman”. 


    RE-POST (sagot ng negatibo noon)
    Yohanes wrote:Ang BUHAY NA ESPIRITU NA NASA LOOB NG TAO,sa kabuoan,yun ang tinatawag na KALULUWA NG TAO,isang BEING na taglay ang buhay,kamalayan,kaisipan at DAMDAMIN. 

    • SAGOT : » » syempre hindi fallacious statement yan, ito ay batay sa pagkaka intindi ko sa mga sagot mo, kung fallacious statement edi patunayan mo muna na tama ka. Kaya nga ang sabi ko “pero hindi ito isang “Being” o nasa “state of being” dahil may tinututulan din ako sa sinabi mo ukol sa “kaluluwa ng tao” 

    Yohanes wrote:Tanong5:Ayon sa Lukas 12:19-20,yun bang tinutukoy dun na kinakausap ng TAO at hinihingi ng Dios ay HINDI state of being na kaluluwa(65590) at ito pala ay emosyong nararamdaman?(pls elaborate answer,take note:Hindi BUHAY ang ginamit sa sitas kundi KALULUWA- G5590) 

    • SAGOT : » » Maliwanag po na “HINDI state of being” ang sagot, tila yata hindi pa maliwanag sa aking ka diskusyon ang nasa talatang Lukas 12:19ADB at ang mga terminong pinag uukulan ng “kaluluwa o Soul”. Hindi po sira ang ulo ng tao upang kausapin yung isa pang living being o “state of being” na nasa katawan niya batay sa aral ng Ang Dating Daan, Natural lang na ang kinakausap ayon sa talata ng Lukas 12:19 ay ang kanyang “Sarili” o “Self” tignan ang saling (NIV, NLT, HCSB, ISV, Net bible, GWT, etc.) batay sa (5590. psuché ). 


    - Iron Solomon
    Palatanong
    Palatanong


    Posts : 15
    Join date : 07/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by Palatanong Fri Apr 04, 2014 11:51 am

    Pwede magtanong? Bakit hindi niyo nalang gawin yan in public para mapanood ng marami.
    Dakila
    Dakila


    Posts : 42
    Join date : 03/03/2014
    Location : Calamba Laguna

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by Dakila Sat Apr 05, 2014 1:11 pm

    Palatanong wrote:Pwede magtanong? Bakit hindi niyo nalang gawin yan in public para mapanood ng marami.
    HAHAHA pano isasalang sa public yan kailangan pa ng patnubay yan bago isapublic yan.  lol! 
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Wed Apr 16, 2014 9:41 am

    Magandang araw sa lahat, at mabiyayang araw sa lahat ng mga sumasaliksik ng diskusyon na ito.

    Instraksyon: Multipol Choys

    Sabi niyo po...

    Yohanes:  “Kapag ang isang tao ay namatay,considering the bible in its entirety,ang ESPIRITU ng MGA GANAP(yaong katanggap-tanggap sa Dios at pumasa sa pamantayan ng Dios),BUMABALIK po ito sa Dios(Ecc12:7). “
    Ayon po sa inyo yung mga namatay tulad ng mga taong ganap (mula sa panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan), ang kanilang espiritu ay bumabalik sa Diyos. At hindi po ito yung “hininga” o “espiritu” sa ibang pinaguukulan dahil ayon sa inyo ito ay para sa mga “taong ganap”.

    » » #1 Tanong: Ano po ang paka intindi niyo sa sinasabi niyo na “ BUMABALIK po ito sa Dios(Ecc12:7)”?

    A). Bumalik sa kaharian at nakasama ng Diyos ( Pakitalataan )
    B). Bumalik sa Diyos ngunit may ibang lokasyon ( Pakitalataan kung saan )
    C). Wala sa A at B ( Paki lagay kung ano po ang pagkaka intindi niyo at lakipan ng talata)

    Sabi niyo po..

    Yohanes: “Naipakita ko na po sa mga sagot ko sa nauna na mga tanong na EVANGELIO ang ipinangaral sa mga “patay”.”

    Batay po sayo, gayong naaralan ang mga (namatay na suwail mula panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan) ng sinasabing “EVANGELIO” .

    » » #2 Tanong: “Makaka sunod” pa po ba ang mga (namatay na suwail mula panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan) gamit ang itinuro sa kanilang “ebanghelyo” ng espiritung kalagayan ni Cristo”?

    OO o HINDI

    Kung “OO” ang sagot niyo po (sagutin po ang #3A multipol choys, Kung “Hindi” sagutin ang #3B).

    » » #3A Tanong: Ano o ano ano po yung mga dapat “Sundin” ng mga (namatay na suwail mula panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan) sa “ebanghelyo” na ipinangaral ng espiritu ni Cristo o “ebanghelyo ni Cristo” na itinuro sa kanila?

    A). Lahat ng pinag uutos sa bagong tipan.
    B). Hindi lahat may ilan ilan lang. (Kung gayon eh ano ano lang yun)
    C). Wala sa nabanggit (Paki lagay po ang inyong kasagutan)

    (Pagkatapos niyo po sumagot dito eh magpunta na po sa #4A)

    Sabi niyo po..

    Yohanes: “Naipakita ko na po sa mga sagot ko sa nauna na mga tanong na EVANGELIO ang ipinangaral sa mga “patay”.”

    » » #3B Tanong: Noon po bang panahon ni Noah bago ang pag baha ay “walang kautusang” ibinigay ang Diyos sa mga taong suwail? 

    Meron o Wala (Kung “meron” pakisagot po ang #4A, kung “wala” pakisagot po ang #4B)

    Sabi mo po..

    Yohanes: “Afterall,ang Dios ang nakakatarok ng puso ng tao kung TALAGANG MASAMA ITO TALAGA at hindi worth ang AWA ng Dios o kaya naman NAHAWA LAMANG SA MGA PANDARAYA NG MASAMA kaya naging suwail. 

    Ang sagot sa tanong:ang gagamiting batayan yung dikaiosune(KATUWIRAN,HUSTISYA) ng Dios na EVANGELIO na ipinangaral at ang Kaniyang AWA. “

    » » #4A Tanong: Yun po bang “suwail, hindi naging ganap, sumuway, hindi sumunod” sa kautusan ng Diyos “na mga suwail sa panahon ng baha (Noah)” ay posibilidad na makasama sa “Awa” ng Diyos para sa kaligtasan? (take note: Hindi po kasama dito yung mga retarded, sanggol, at hindi nakaka alam ng mga kautusan ng Diyos noon)

    A). OO kasama ang mga “suwail, hindi naging ganap, sumuway, hindi sumunod” na “patay na” posibilidad na “kaawahan” ng Diyos para sa kaligtasan.
    B). Hindi kasama.
    C). Wala sa nabanggit (Pakilagay ang iyong kasagutan)

    (Pagkatapos niyo po sumagot dito eh magpunta na po sa #5)
    » » #4B Tanong: Bakit niyo po nasabi na “walang kautusan ang Diyos sa panahon ni Noah bago ang pag baha”?. (Talata at paki eksplika)

    (Pagkatapos niyo po sumagot dito eh magpunta na po sa #5)


    Bonus kwestyon: Sabi mo po ulit...

    Yohanes: “Afterall,ang Dios ang nakakatarok ng puso ng tao kung TALAGANG MASAMA ITO TALAGA at hindi worth ang AWA ng Dios o kaya naman NAHAWA LAMANG SA MGA PANDARAYA NG MASAMA kaya naging suwail. “

    INSTRAKSYON: PILINDABLANGKS.

    » » #5 Tanong: Yun po bang “NAHAWA LAMANG SA MGA PANDARAYA NG MASAMA kaya naging suwail. “ ay para sa Diyos eh ______

    A). Hindi pa suwail
    B). Suwail narin
    C). Pakilagay ang sagot kung wala sa pag pipilian.

    - Iron Solomon
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Wed Apr 16, 2014 9:53 am

    Greetings of peace!


    Q1: Ano po ang paka intindi niyo sa sinasabi niyo na “ BUMABALIK po ito sa Dios(Ecc12:7)”?


    >>Sagot1: A). Bumalik sa kaharian at nakasama ng Diyos.



    Ang bumabalik yung KALULUWA na ESPIRITU taglay ang kaisipan,damdamin,buhay at kamalayang taglay nung umiral sa lupa na may katawang laman.

    Sabi sa Heb12:23,meron nababasa NA SA LANGIT,kasama ng Dios,MAY MGA ESPIRITU NG MGA TAONG GANAP NA PINASAKDAL.

    Takenote:HINDI sinabi na TAGLAY na ng mga ito ang KATAWANG UKOL SA LANGIT(glorified body) gaya ng P.Jesus.Ibang usapin yun,matataglay lamang nila ang KATAWANG UKOL SA LANGIT sa resurrection day(1Cor15:44).

    Dahil ang hinahanap ‘mga taong ganap (mula sa panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan)’,kasama dyan yung mga GANAP NA PINATAY dahil SA SALITA NG DIOS..simula pa kay ABEL-ang kanilang "KALULUWA" ay sinasabi ng Biblia na nakita ni Juan sa ILALIM NG DAMBANA ng Dios sa langit(Apoc6:9-11).

    Letter A ang sagot ko,kasi HINDI naman perse BUMABALIK sa BEING NG DIOS yung kaluluwa kundi BUMABALIK lang sa LANGIT sa piling Niya gaya ng mga kaluluwa na nasa ILALIM NG DAMBANA.Hindi rin sa ibang location kundi sa ILALIM NG DAMBANA na nasa harapan ng luklukan sa langit.Yan ang sagot AYON SA PAGKAKAINTINDI ko sa tanong.



    Q2: “Makaka sunod” pa po ba ang mga (namatay na suwail mula panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan) gamit ang itinuro sa kanilang “ebanghelyo” ng espiritung kalagayan ni Cristo”?


    >>MALI ang TANONG para sa akin:WALA ako sinulat o idea man lang na sinabi ko "KASALI" ang mga PATAY sa kasalukuyan,ang usapan na binabanggit ni Pedro mga namatay na suwail sa unang panahon BAGO pinatay ang Cristo.

    Kung ang tanong,gaya ng nasa sitas sa 1Ped3,MAKAKASAMPALATAYA SILA sa EVANGELIO,kasi lalabas IRRELEVANT na ipangaral sa kanila ito ng Cristo kung WALA rin pala response sa kanila.

    Pero pagbigyan ko ang katanungan:heto ang sagot ko;

    Granting OO ang sagot sa #2..punta tau sa #3 A..



    Q3A:Ano o ano ano po yung mga dapat “Sundin” ng mga (namatay na suwail mula panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan) sa “ebanghelyo” na ipinangaral ng espiritu ni Cristo o “ebanghelyo ni Cristo” na itinuro sa kanila?


    A). Lahat ng pinag uutos sa bagong tipan.
    B). Hindi lahat may ilan ilan lang. (Kung gayon eh ano ano lang yun)
    C). Wala sa nabanggit (Paki lagay po ang inyong kasagutan)

    >>Sagot3A:C). Wala sa nabanggit.

    Bakit?Ang ipinangaral ni Cristo sa kanila syempre HINDI na mga UTOS perse gaya ng MAG-ABULOY,DUMALO NG PAGKAKATIPON,GUMAWA NG MABUTI SA LAHAT NG TAO,IHANDOG ANG KATAWAN NA BUHAY NA HAIN BILANG KATAMPATANG PAGSAMBA..etc.. eh kasi mga ESPIRITU na WALANG KATAWANG LAMAN mga yun.

    Ang EVANGELIO,HINDI naman confined lang sa mga utos na tatalimahin kundi nakapaloob din dito ang MGA ARAL NG KATOTOHANAN na sasampalatayan.

    Eph 1:13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, PAGKARINIG ng {ARAL NG KATOTOHANAN}, ng EVANGELIO NG INYONG KALIGTASAN, na sa kaniya rin naman, MULA NANG KAYO'Y MAGSISAMPALATAYA, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,

    >>ang dahil kaya ipinangaral,UPANG MADALA sila sa Dios at MABUHAY SA ESPIRITU ayon sa Dios.(cf 1Ped3:18-19)

    1Pe 4:6 Sapagka't DAHIL DITO'Y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, UPANG SILA, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't MANGABUHAY SA ESPIRITU AYON SA DIOS.

    Para magka-idea ka ng sagot ko;yung mga tapat na anghel gaya ni Miguel,nanatiling NABUBUHAY AYON SA ESPIRITU SA DIOS not needing a physical body.



    Q4A: Yun po bang “suwail, hindi naging ganap, sumuway, hindi sumunod” sa kautusan ng Diyos “na mga suwail sa panahon ng baha (Noah)” ay {{posibilidad na makasama sa “Awa” ng Diyos}} para sa kaligtasan? (take note: Hindi po kasama dito yung mga retarded, sanggol, at hindi nakaka alam ng mga kautusan ng Diyos noon)


    >>Sagot4A: Sabi mo nga sa tanong,POSSIBLE na kaawaan..(sa kabila,na WALA naman direktang ibinigay na SET OF LAWS gaya sa Israel kay Moises sa kanila)..YES ang sagot ko.


    Q5: Yun po bang “NAHAWA LAMANG SA MGA PANDARAYA NG MASAMA kaya naging suwail. “ ay para sa Diyos eh ______


    >>Sagot5:SUWAIL..yun ang sabi ni Pedro sa sitas na binabasa natin.

    Although fill in the blanks yan,I need to elaborate my answer para hindi po maligaw ang sumusubaybay.

    Huwag po kalimutan,MAY NANGYARING PAKIKI-ALAM ng MGA PASAWAY(MASASAMA) na mga ANGHEL sa mga TAO sa panahon ni Noe na isang dahilan kaya sumama lalo sila.
    (cf Gen6:2-5)

    Gaya ng sabi ni Pablo,

    Tit 3:3 Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang,{ MGA SUWAIL, MGA NADAYA,} na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

    Bakit naging suwail?pwedeng nadaya.So gaya ng diwa sa sagot sa Q4,possible may pag-asa ang mga suwail sa awa ng Dios lalo na tatanggapin naman nila ang evangelio na ipinangaral mismo ng tagapagligtas na P.Jesus sa kanila.
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Wed Apr 16, 2014 10:06 am

    Mabiyayang araw po muli sa lahat ng mga sumasaliksik sa debateng ito. Muli ipaparating po sa inyo ng inyong lingkod ang tamang unawa sa mga talatang nalimbag sa debateng ito. Kung mapapansin niyo ang akin pong ka debate ay gumamit ng "sikwat talata" na hindi isinasalang alang ang ibang katotohanan na pumapaloob sa kabuuhan ng biblia pano ko po ito mapapatunayan?


    #1 Ayon po sa aking ka debate ang mga namatay daw sa baha na suwail sa panahon ni Noah ay inaralan ng espiritu ni Cristo ng "ebanghelyo" mula sa bagong tipan. Upang magkaron din (daw) ng pag asa sa kaligtasan.


    Ayon sa biblia ang "ebanghelyo" mula sa bagong tipan ay ipinangaral lamang (una) sa "Hudyo" at sa mga "Hentil" (Romans 1:16). Wala pa pong "Hudyo" sa panahon ni Noah bago ang pagbaha sapagkat ang terminong "Hudyo" o "Hudaismo" ay galing sa panahon ng tribo ni Judah.


    Ayon sa biblia ang mga taong sumuway o suwail sa panahon ni Noah bago ang pagbaha ay may kautusan na dapat sundin, kaya ipinarehas ang panahon ni Noah (Pag baha) sa panahon ng ikalawang Pag parito ni Cristo kung ano ang ginagawa ng mga tao (Mat. 24:37-39). At dahil nasumpungan ng Diyos na sumuway ang mga tao sa panahon ni Noah bago ang pag baha, nilipol niya ito (Gen.6:5-8 ). Kaya kung sa panahon ni Noah ay may kautusan na pinatutupad ang Diyos sa mga tao ay dito sila hahatulan "... Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusan." (Roma 2:12). Kaya mali ang sinasabi ng aking kaibigan na si Yohanes na kailangan ituro pa ang ebanghelyo sa bagong tipan doon sa mga suwail na namatay sa panahon ni Noah, sapagkat sa kautusan sa panahon ni Noah hahatulan ng Diyos ang mga taong suwail at hindi sa dagdag kautusan na wala naman sila sa ilalim nito, kaya ang sabi sa Isaiah (Isaiah 38:18):


    "...Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan." 


    Wala ng katotohanan pang matatanggap ang sinumang nagsibaba ng hukay o mga namatay.

    » » PAGLILINAW SA MALING UNAWA (1Ped. 4:6):

    Ayon sa biblia ang (1Ped. 4:6) ay hindi literal na pangangaral sa mga "Patay" o "nalagutan ng hininga", o yung terminong "Patay" ay literal na inuunawa, kundi ito ang mga taong tinawag na "Patay" sapagkat ibinubuhay nila ang mga "gawa sa laman" "kasalanan" o "masamang gawa" (Isaiah 1:16, Romans 8:13). Kaya nga sa kasunod na berso ng (1Ped4:6) ay ipinag uutos ni Lolo Pedro natin ang mga dapat gawin nung mga "patay" na tinutukoy sa (v6) yan yung... "iayos ang pag iisip, laging manalangin, mag ibigan sa isat-isa, sapagkat ano daw? ang pag ibig ay tumatakip sa kasalanan. Ano pa? paglingkuran ang kapwa, at higit sa lahat ang Diyos (1Ped 4:6-11) na hindi na magagawa pa ng mga "nalagutan ng hininga" (Ecc. 9:5).


    Ayon sa (1Ped. 4:6) na "Binuhay sa Espiritu" o "maging buhay ayon sa Diyos sa espiritu" (SND) ay hindi po tungkol sa mga taong namatay na bumangon na nasa kalagayang espiritu. Una isipin natin kung "Binuhay sa espiritu" lalabas may mga panahon at oras sila(mga namatay) na walang eksistido noong hindi pa sila pinapangaralan ng ebanghelyo, sapagkat hindi "mabubuhay sa espiritu" kung hindi inaralan ng ebanghelyo, komonsens diba?. Kaya ano ang tamang unawa jan? Ang tamang unawa po sa "Binuhay sa Espiritu" ay ang nasusulat din sa (Romans 8:13)


    "..Ngunit KAYO AY MABUBUHAY KUNG SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng inyong katawan."


    Ayun naman pala ang ibig sabihin ng nakasulat sa (1Ped. 4:6) na "Binuhay sa Espiritu" yan yung pagpatay sa mga "gawa ng laman" o "kasalanan". Kaya pala inutos ni Lolo Pedro sa mga "Patay" o nasa "Pagkakasala" na gawin yung nasa (1Ped4:6-11) upang tumakip sa kasalanan. At nilinaw na ang terminong "Patay" ay patungkol sa...


    "..At patungkol sa inyo, kayo ay DATING MGA PATAY na sa inyong mga PAGSALANSANG at mga KASALANAN" (Efe 2:1)

    » » PAGLILINAW SA MALING UNAWA (1Ped. 3:19-20):

    Ayon po sa biblia hindi po parang casper the friendly ghost ang binabanggit na "Espiritu ni Cristo" sa talata na nagturo sa mga taong namatay na suwail sa panahon ni Noah (1Ped. 3:19-20). Ito rin ay may kinalaman sa (1Ped. 4:6) na mga tinawag na "Patay" o nasa "gawang laman" o "nasa kasalanan". Ano ba ang mga terminong dapat usisahin sa (1Ped. 3:19-20)?


    #1 "mga Espiritung nakabilanggo" > Gaya ng nasa taas hindi po ito tulad ni casper the friendly ghost na naka bilanggo sa isang dimensyon na lugar. Kundi ang "Espiritung nakabilanggo" batay sa biblia ay ang mga taong "nasa kasalanan" na tinawag na "Patay" o nasa "Gawang laman" (1Ped. 4:6, Romans 8:13) tulad ng isinalaysay ni Lolo Pablo na "Bilanggo ng kautusan ng kasalanan" (Roma 7:23-24) at "bilanggo sa kadiliman" (Isaiah 42:7). Bakit kamo "Espiritu" ang nakabilanggo at hindi yung tao? sapagkat ang "Espiritu" na nasa kanila(Tao) ay ang "Espiritu ng Sanlibutan" (Col. 2:8, Efeso 2:2) sanlibutan na nasa ilalim ng "kasamaan" (1 John 5:19) kaya sila yung tinatawag na hindi kay Cristo sapagkat wala silang "Espiritu ni Cristo", ".. Ang sinumang walang Espiritu ni Cristo, siya ay hindi sa kaniya." (Roma 8:9). Isa nalang ang i reresolba natin. Pano naturuan ng "Espiritu ni Cristo" ang mga taong suwail na namatay noong panahon ni Noah?

    » » "ESPIRITU NI CRISTO"

    #2 Ang "Espiritu ni Cristo" ay hindi katulad ni Casper the friendly Ghost (Fiction) na may kalagayang espiritwal na puedeng magpa gala gala saan man niya gustuhin. Tulad ng sinasabi sa talata na ang walang espiritu ni Cristo ay hindi sa kanya (Roma 8:9). Bago pa ang paglalang, ang lahat ng bagay ay "nilalang sa kanya" at "para sa kanya", "Kay Cristo" (Col. 1:16c):


    "...Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para SA KANIYA."


    Nangangahulugan na kung ang "lahat ng bagay" ay nilalang "para sa KANYA" ito ay may "Espiritu ni Cristo" (Roma 8:9). Halimbawa dito ang mga "propeta" na may "Espiritu ni Cristo" na naghayag sa biyayang darating sa mga tao (1 Peter 1:10-11).Kaya sa panahon ng propeta tulad ni Moises alam na nila ang patungkol kay "Cristo" (Acts 3:22) dahil sa panahon palang ng unang tao ay inihayag na ang patungkol kay "Cristo" (Gen. 3:15). Literal bang tinuruan ni Cristo ang mga taong suwail na namatay sa panahon ni Noah? Sagot "Hindi", kundi si Noah ang nagturo. Una si Noah ay nakita ng Diyos na "Matuwid" at "Sakdal" (Gen 6:9) sa madaling salita nilakipan siya ng "Espiritu" na mula sa Diyos dahil siya ay "Banal na tao" ng Diyos na tagapagsalita at tagahayag (2 Peter 1:21) nakaka siguro tayo na siya ay tagapagsalita o tagapagpahayag ng mga "salita ng Diyos" sapagkat siya ay mangangaral ng Diyos (2 Pet. 2:5). At dahil nilakipan siya ng "Espiritu" ng Diyos upang mangaral. Ang "Espiritu ng Diyos" ay siya ring "Espiritu ni Cristo" (Romans 8:9) ang siyang sinuway ng mga "taong suwail" na itinuro o inaral sa kanila ni Noah o ng "Banal na tao ng Diyos" sapagkat noon pa "ang lahat ng bagay na nilalang" ay para kay Cristo (Col. 1:16).


    » » PAGLILINAW SA MALING UNAWA (Apoc6:9-11):

    Ayon po sa aking ka diskusyon ang (Apoc6:9-11) ay para daw sa mga taong "ganap" at sa mga "ganap" na pinatay dahil sa salita ng Diyos mag mula sa panahon ni (Adan hanggang sa kasalukuyan) na nasa "ilalim ng dambana" ng Diyos sa langit na nakita ni Juan.


    Ayon po sa biblia ay "Mali" po ang aking ka debate sapagkat ang (Apoc6:9-11) ay walang kinalaman sa mga unang tao, TANDAAN: Una ito ay konteksto batay sa 144k sa libro ng Pahayag, Ikalawa hindi literal na nakita ni Juan sa pamamagitan ng kanyang mata ang sinalaysay sa libro ng pahayag kundi isang "Vision/Pangitain" kapag sinabing "Vision/Pangitain" hindi niya ito nakita sa reyalidad na pangyayari na tila baga nasa harapan niya ito naganap kundi through "Vision" "Scheme of Mind". Ayon din sa biblia ang "Dambana" na binabanggit sa (Apoc6:9-11) ay hindi isang "lokasyon" o "lugar" na literal kundi isang "Simbolikal" na "Dambana" kung saan sa literal na esensya nito ay, dito inihahandog o inihahain ang isang may buhay sa Diyos sa bawat panahon (Genesis 8:20, James 2:21 Mula sa Magulang - Propeta). Katulad ng 144k na "pinatay" na kung saan "hain" at "handog" nila ang kanilang sarili sumunod lamang kay Cristo.


    Ayon sa biblia literal nga bang narinig ni Juan ang "malakas na pagtawag ng mga 144k kaluluwang pinatay" (Rev. 6:10)? Ayon po sa "Vision/Pangitan" ni Juan ang mga "kaluluwang" ito ay humingi ng "Paghihiganti" sa pamamagitan ng Diyos. Ito po ay walang pinagkaiba sa "Tinig" ng "Dugo" ni Abel (Gen. 4:10) Hindi po puedeng sabihin na ang "Dugo" ni Abel ay may kakayanang magsalita kung literal itong uunawahin. Dahil ang "Dugo" ang ginamit upang sumimbulo sa "katarungan" na nais makamit ni Abel ganun din naman ang sinisimbulo sa nakita ni Juan sa kanyang "Vision/Pangitain" sa mga "kaluluwa" na nagsasalita na humihingi ng "Katarungan".
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Fri Apr 25, 2014 4:00 am

    <<1ST REBUTTALS NG NEGATIBO>>

    Pagbati sa lahat ng Kapayapaang mula sa Dios Ama;

    Ang aking tinitindigan ay patotohanan na MAY UMIIRAL na ESPIRITUNG KALAGAYAN(essence) ng isang taong pumanaw.

    Mr.Moderator,at this point,gusto kong ipapansin ang “PAGKAKA-CHECKMATE” ng aking kausap sa aming tema.

    Ang sabi ni Iron:

    [[“ ANO ANG KOMPOSISYON NG ISANG TAO BATAY SA PAGLALANG?
    HININGA - Sa transliterasyon pang hebreo ay "naphach(5301)" at griego naman ay "pneuma (4151)" interchanjebel ng "Espiritu" sa wikang tagalog. Kaya kapag sinabing "Hininga", tumutukoy din ito sa "Espiritu" na sangkap upang ang tao ay magkaron ng buhay...Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang “sangkap lamang” para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit.”]]

    TANDAAN:Paniwala ni Iron,yung daw HININGA na “PNEUMA”(G4151) ay yun yung ESPIRITU na “isang sangkap LAMANG” ng tao para mabuhay.HINDI daw ito tumutukoy sa ESPIRITUNG KALAGAYAN tulad sa mga anghel kasi IBA daw ito.Yung PNEUMA(hininga) daw na ito ay WALANG malay na pumuri sa Dios.


    So paano na-checkmate?heto,umunawa po tayong maigi;

    Heb 1:14  Are they not all ministering SPIRITS{G4151-pneuma}, sent forth to minister for them who shall be heirs of salvation?


    G4151
    πνεῦμα
    PNEUMA
    pnyoo'-mah


    Ano ang KAPANSINPANSIN? G4151(PNEUMA) ang ginagamit na tumutukoy sa ESPIRITUNG KALAGAYAN ng mga ANGHEL.

    Entonses,yung ESPIRITU(G4151) pala na nasa TAO na “PNEUMA”,may KAMALAYAN ito,espiritung kalagayan ito na GAYA ng mga anghel.

    So,maliwanag,HINDI NGAYON MAKAKATANGGI si Iron na yung PNEUMA na HININGA,hindi lang basta SANGKAP LAMANG para mabuhay kundi ito ay isang ESPIRITUNG KALAGAYAN kasi “PNEUMA” RIN YUNG GINAMIT NA TUMUKOY sa mga anghel na mga espiritung tagapaglingkod.
    So sa puntong ito, “ESTOPPED” na ang kaibayo.


    Anyway,i-touch ko din ang iba pa niyang sinabing NAGPAPAMALI sa kaniyang tinitindigan.


    » »NAMAMATAY BA ANG KALULUWA?KAILAN NAMAMATAY ANG KALULUWA?


    Sabi ng kaibayo,

    {{“pagka puksa ng kaluluwa ng tao ay nahahati sa dalawa pagkapuksa sa unang kamatayan yan”}}

    Alam nyo po madlang pipol,ito po ang isang aral ng INC14 na MALI.

    Hindi naman LIFE(buhay o dugo) ang tinatanong ko eh kundi KALULUWA(psuche-G5590).Paniwala ng kaibayo na NAMAMATAY na ang “psuche” pag namatay ang katawan. Bakit MALI?Heto papakita ko;

    Sabi MISMO ng P.Jesus;

    Mat 10:28At huwag kayong mangatakot sa mga NAGSISIPATAY NG KATAWAN,{DATAPUWA'T HINDI NANGAKAKAPATAY SA KALULUWA}:kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong MAKAPUPUKSA SA KALULUWA AT SA KATAWAN SA IMPIERNO.

    >>ano ang sabi?HINDI NANGAKAKAPATAY SA KALULUWA ang nagsisipatay sa katawan.

    Entonses,HINDI TOTOO NA EVEN THE FIRST DEATH(pagkamatay ng katawan) AY NAPUPUKSA NA ANG KALULUWA.

    Ulitin ang sabi ng Cristo,“SA MGA NAGSISIPATAY NG KATAWAN(PSUCHE-G5590),DATAPUWA'T HINDI NANGAKAKAPATAY SA KALULUWA”.

    Yung sinagot ng kaibayo,maski ilagay mo pa na meaning na “LIFE” ang KALULUWA,HINDI yun TUTUGMA sa DIWA na sinasabi ni Cristo sa Mat10:28.Simply,HE FAILED TO ANSWER THE QUESTION.

    Ayon sa sitas,sa IMPIERNO MAPUPUKSA ang KALULUWA at KATAWAN.

    Kaya kung sumasang-ayon pala si Iron na MAPUPUKSA ang Kaluluwa sa impierno,ILLOGICAL na PANIWALAAN NA NAPUKSA NA ITO SA UNANG KAMATAYAN kasi nga MISMONG ANG P.JESUS ANG NAGSABI NA {HINDI NAMAMATAY} ANG KALULUWA pagkamatay ng katawan.

    Therefore,DEBUNKED ang ARAL ng INC14 na yan.

    » »HUMIHIWALAY BA ANG KALULUWA SA KATAWAN PAGKAMATAY NG TAO?

    HINDI ko inaasahan na “IBA” pala ang ARAL na alam ni Iron base sa mga nakausap ko na na kapatid nila.Ayon kasi kay Aerial Cavalry(ayon din sa aklat nila)-paniwala ng INC14 na “HINDI HUMIHIWALAY” ang KALULUWA SA KATAWANG LUPA kundi kasama itong mamamatay pagkamatay ng katawan ayon sa Awit 44:25,119:25.

    Anyway,PAPATUNAYAN ko pa rin na KALULUWA na may KAMALAYAN ang HUMIHIWALAY sa katawan pagkamatay ng tao.

    Readers,pls follow carefully:

    1Ki 17:22At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias;at ang KALULUWA NG BATA ay {BUMALIK} sa kaniya,at siya'y MULING NABUHAY.


    >>HAYAN,tinatawag ng Biblia na KALULUWA yung HUMIHIWALAY AT BUMABALIK sa isang namatay.


    Katunayan,

    Luk 12:19  At sasabihin ko sa aking KALULUWA,KALULUWA,marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka,uminom ka,matuwa ka.

    Luk 12:20  Datapuwa't SINABI SA KANIYA NG DIOS,Ikaw na haling, HIHINGIN SA IYO SA GABING ITO ANG IYONG KALULUWA;at ang mga bagay na inihanda mo,ay mapapa sa kanino kaya?



    >>sabi MISMO ng DIOS-ang binabawi Niya KALULUWA.So yung sinasabi ng kaibayo na HININGA perse lang ang bumabalik sa Dios,HINDI ito ang absolute truth.May ulat ang Biblia na BINABAWI ng Dios maski ang KALULUWA.HINDI yan EMOSYON kasi MAY BEING ito eh na MAY EMOSYON,kinakausap nga eh.Ang ginamit na salita sa KALULUWA pareho sa ginamit sa Mat10:28 na ‘G5590- psuche’>yan yung HINDI NAMAMATAY  pag namatay ang katawan.

    » »MAY KAMALAYAN ANG KALULUWA KAHIT PATAY ANG KATAWAN

    Heto ang ANALOGY for better understanding.Ang isang tao pwedeng ihambing sa isang Computer Numerical Controlled(CNC) Machine.

    •Ang HARDWARE(yung makina)-yung KATAWAN(material body)natin.

    •Ang SOFTWARE(operating system with power supply)-yun ang BUHAY NA KALULUWA NG TAO.Kasama ang HININGA ng buhay sa gamit ng termino na KALULUWA,kasi madalas ginagamit ang kaluluwa sa biblia as HAVING LIFE O VITALITY(Job12:10,1Sam1:26,Eze18:27).

    •Ang PROGRAMMER na gumawa ng software-ANG DIOS.Siya ang nagbigay ng ating buhay na pagkatao(Gawa17:28).

    Pag kinuha na ng Dios yung KALULUWA,nagiging NON-FUNCTIONAL(patay) na yung katawan.Wala na kc yung PROGRAM(KALULUWA) na bumubuhay at nagpapatakbo sa katawan.Ang Kaluluwa bilang SOFTWARE PROGRAM ng katawan,yun ang NAKAKARAMDAM,yun ang GUMAGAWA at MAY KAMALAYAN.


    Ayon kay Cristo,

    •Nakakaramdam ng PAMAMANGLAW ang kaluluwa(Mk14:34).
    •Ang Kaluluwa(G5590) ay capable umibig(Mat22:37).
    •Ang kaluluwa ay gumagawa maging masama o mabuti(Roma 2:9,1Ped4:19)
    •Nakakaramdam din ng PAGOD ang KALULUWA kaya ipinag-aanyaya ni Cristo ang KAPAHINGAHAN ng Kaluluwa(Mat11:29).

    Kung umuunawa ang kaibayo,HINDI tinutukoy dito “DUGO” na kaluluwa gaya ng sagot niya using Deut12:23,kundi ESPIRITWAL NA KALULUWA,kasi ang “REST” na dala ni Cristo ay ‘SPIRITUAL REST’.


    •KAHIT WALANG KATAWANG LUPA,nakakaramdam ang kaluluwa.Ang Dios(Espiritu ang Kalagayan) ay may kaluluwa sabi ‘kinalulugdan ng AKING KALULUWA-Mat12:18).

    •Ang mga PINATAY NA YUMAO NA ay sumisigaw ng katarungan sa Dios,kaya ISANG ‘BEING’ NA MAY MALAY PO ANG KALULUWA-Apoc6:9-11

    Sa usaping FINALE,actually ang KALULUWA ay itinuturo ni Cristo na MATATAGLAY ng isang tao na MAIPAGTAGUMPAY na MAILIGTAS.

    Luk 21:19  Sa inyong pagtitiis ay MAIPAGWAWAGI ninyo ANG INYONG MGA KALULUWA.


    •ang KALULUWA ang MALILIGTAS-Eze18:27•

    1Pe 1:9  Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ANG PAGKALIGTAS NG INYONG MGA KALULUWA.

    >>ang MALILIGTAS sa tao-ang KALULUWA nito.Understood,MAY MALAY yan kasi nga NAGWAGI AT NALIGTAS eh.

    Tanggalin mo man kasi ang “SOFTWARE” nung Computer na nagpapagana sa CNC Machine,HINDI naman MABUBURA yung PROGRAM nun eh KUNDI kinuha mo lang.Pag ibinalik mo uli sa CNC Machine yung SOFTWARE,gagana at functional uli yung makina.Ganun din ang Dios,hingin man uli sa atin ang ating kaluluwa,PATAY ang tawag sa KATAWAN natin pero pag ibinalik uli ng Dios ang kaluluwa sa katawan natin,ang katawan ay BUHAY uli,may kamalayan at makakagawa(1Ki17:22).

    Katunayang HINDI nawala ang memory o kamalayan mo,kasi pag ibinalik uli,INTACT pa rin naman na NATATANDAAN MO KUNG SINO KA.Kasi kung nawala sana KAMALAYAN o MEMORYA mo,eh di sana para ka lang RE-FORMATED  na flash drive na back to zero ang memory base,PERO HINDI ganun.


    WALANG definite “set of laws” na ipinatutupad sa panahon ni Noe gaya sa Israel.Ang HINDI niya alam,HINDI naman confined sa HUDYO at HENTIL ang EVANGELIO eh.Ipinangaral nga po ito nang una kay Abraham[Gal3:8]

    Yung ginamit na sitas sa Isa38:18-HINDI lang alam i-reconcile.Ang bumababa sa libingan yung KATAWAN(PATAY-San2:26),wala talaga alam na katotohanan nun.Kung itinuloy mo basa sa verse19,ang BUHAY(ung KALULUWA na HINDI naman kasama na NAMAMATAY-Mat10:28)-BUHAY YUN NA MAKAKAPURI SA DIOS.
     
    1Ped4:6-‘maging sa MGA NAMATAY upang sila ay mahatulan AYON SA MGA TAONG NASA KATAWANG LAMAN’{SND}.


    Logic,eh di PATAY nga yan sa LAMAN,kasi HINDI sila ‘taong nasa katawang laman’.
    Ang pinangaralan-mga ESPIRITU sa bilagguan(1Ped3:19).SABLAY ang pahayag ng kaibayo na ‘nasa kasalanan’ ang pinangaralan ng P.Jesus pagkamatay Niya.


    Illogical yan,WALA ULAT kahit pagkabuhay ng P.Jesus ay nangaral pa Siya sa mga ‘bilanggo sa kasalanan’.HINDI na nangaral sa HINDI ALAGAD O MAKASALANAN ang Cristo pagkabuhay Niya,nagbigay na lang siya ng mga utos SA MGA APOSTOL[Gawa1:2-3,Gawa10:40-41,1Cor15:4-8].

    MALI ang kaibayo na ipakahulugan na 144K yung nasa Apoc6:9.
    KASAMA si ABEL dyan kasi PINATAY din siya,at may PATOTOO siya ng Dios(Heb11:4)

    Niwei,hindi yan ang usapin kaya i-touch ko ang iba niyang sinabi.

    1.NAKITA ni Juan ang mga kaluluwa “LIKE HE IS THERE”,sablay yang ‘Scheme of Mind’,kasi PINA-AKYAT siya doon.

    “{UMAKYAT} KA RITO, AT {IPAKIKITA} KO SA IYO ANG MGA BAGAY NA DAPAT MANGYARI SA HAHARAPIN-Apoc4:1”


    2.LUGAR ANG DAMBANA-NASA LANGIT YAN,SA HARAPAN NG LUKLUKAN(Apoc8:3)

    3.TOTOONG NARINIG ni Juan ang mga tinig ng mga KALULUWA.KASI PINA-AKYAT NGA SIYA DUN EH.Narinig nga niya tinig ng mga anghel eh(Apoc5:11),narinig din niya mga yung 4living creatures(Apoc6:1),pati tinig mula sa luklukan(Apoc21:3).Pag sinabing NARINIG sa Apocalipsis,NARINIG talaga gaya ng mga examples sa taas.

    Ang Dios na nakaka-alam ng pagkalikha ng tao,may ganitong utos;

    Deu 18:10-11 Huwag makakasumpong sa iyo...O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, {O SUMASANGGUNI SA MGA PATAY.}

    >>TAKE NOTE:iba yung pagsangguni sa masamang espiritu(nasa sitas din).Entoses, SENSIBLE ang Dios na may KALAGAYANG ESPIRITU ANG MGA PATAY kaya pinagbawal Niya ang pagsangguni sa kanila.Ang Dios HINDI naman mag-uutos kung HINDI naman pala totoo na posibleng malabag ng Israel.

    So ANO ANG TOTOO?NASASANGGUNI ang mga patay ayon sa IPINAGBABAWAL na UTOS ng Dios.

    INEVITABLE,MAY ESPIRITUNG KALAGAYAN ang mga PATAY na may kamalayan.
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Fri Apr 25, 2014 7:46 am

    Mabiyayang araw po ulit sa lahat at siguradong may matutunan nanaman po kayo sa pagpapatuloy ng diskusyon gaya ng mga na maling unawa sa mga talatang pinagsisikwat ng aking ka debate upang ipagtahi tahi at makabuo ng doktrinang lalabag sa maraming sitas. Makikilala niyo rin ang aking ka debate ay mahina sa "reading comprehension" HINDI ko na sana ikokota ito para sa mas importanteng patotoo, pero sa ngalan ng dignidad at katotohanan:

    KAKULANGAN SA READING COMPREHENSION NG NEGATIBO:

    #1) Ayon sa aking ka diskusyon may mababasa tayo na kesyo "Checkmate" at "Ibang aral" di umano daw ang inyong lingkod sa kanyang tindig ano po ang halimbawa? Ayon sa kanya ang "Pneuma" daw batay sa akin ay "Hininga" lamang. Tama yan "Hininga" lamang kung ang pag uusapan ay batay sa "KOMPOSISYON NG TAO SA PAGLALANG". Pero bago yan ang sabi niya:
    Yohanes wrote:"•TANDAAN:Paniwala ni Iron,yung daw HININGA na “PNEUMA”(G4151) ay yun yung ESPIRITU na “isang sangkap LAMANG” ng tao para mabuhay.HINDI daw ito tumutukoy sa ESPIRITUNG KALAGAYAN tulad sa mga anghel kasi IBA daw ito.Yung PNEUMA(hininga) daw na ito ay WALANG malay na pumuri sa Dios."

    sabi ko daw:

    I-Solomon wrote:“ ANO ANG KOMPOSISYON NG ISANG TAO BATAY SA PAGLALANG?
    HININGA - Sa transliterasyon pang hebreo ay "naphach(5301)" at griego naman ay "pneuma (4151)" interchanjebel ng "Espiritu" sa wikang tagalog. Kaya kapag sinabing "Hininga", tumutukoy din ito sa "Espiritu" na sangkap upang ang tao ay magkaron ng buhay...Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang “sangkap lamang” para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit.”
    Maliwanag na patungkol pala sa KOMPOSISYON NG ISANG TAO BATAY SA PAGLALANG ang tinutukoy kong "Pneuma" at hindi sa mga "Celestial Being" tulad ng mga Anghel. Kaya pala "HININGA" yung naka define sa taas. Kaya pala sabi rin ng lingkod niyo sa taas:

    "Iba ang "Espiritu" o "Hininga" na isang “sangkap lamang” para magkaron ng buhay ang isang tao, sa "Espiritung kalagayan" na may kamalayan at may kakayanan na purihin ang Diyos tulad ng mga Anghel na nasa langit."

    Ibig sabihin meron pa palang pinag uukulan ang terminong "Pneuma/Espiritu" hindi lamang sa "Hininga" kaya pala sinabi ko rin na "Iba" dahil magkaiba nga ang pinag uukulan, sapagkat by category, ang terminong "Pneuma/Espiritu" ay marami ring pinag uukulan tulad ng terminong "Soul/Kaluluwa" na ikinumpara pa sa blog ni Aerial sa tindig ko na isa lamang pala sa pinag uukulan ng terminong "Kaluluwa/Soul". At nakaka awa pa sa huli niyang sinabi:
    Yohanes wrote:So,maliwanag,HINDI NGAYON MAKAKATANGGI si Iron na yung PNEUMA na HININGA,hindi lang basta SANGKAP LAMANG para mabuhay kundi ito ay isang ESPIRITUNG KALAGAYAN kasi “PNEUMA” RIN YUNG GINAMIT NA TUMUKOY sa mga anghel na mga espiritung tagapaglingkod.
    Sa pag gamit ng pangangahoy ng aking ka diskusyon tila yung sinabi kong "lamang" eh kinahoy niya at ipinasok niya sa general term na gamit nito, samantalang malinaw sa taas na "Pneuma" na naka define eh para sa "Hininga" sapagkat ang pinapaksa doon ng inyong lingkod ay patungkol sa "KOMPOSISYON NG ISANG TAO BATAY SA PAGLALANG". Hangal lang ang magsasabi na ang terminong "Pneuma" eh ukol lamang sa "Hininga" sapagkat ang Diyos batay sa John 4:24 eh "Pneuma". Siguro sa mga oras na ito eh hiyang hiya na ang ating kaibigan sa kanyang pinagsasasabi na "Checkmate" lalo pat kapag isinalin ang debateng ito sa isang forum para magkaron pa ng Q and A at lumabas pa ang katotohanan. 

    KALULUWA/SOUL:

    Kung mapapansin niyo rin, nakabasa lang ng "Kaluluwa" si Yohanes eh pinatutungkol niya na ito kagad sa mga movie fiction tulad ng "Casper the friendly ghost". Hayaan niyo pong ipaalam ko sa inyo ang hiwaga ukol sa terminong "Kaluluwa".

    Kaluluwa/Soul - Nephesh (Hebrew) katumbas sa ng Psuché sa (Greek). Marahil alam din ito na nakakarami na hindi lamang ang tao ang siyang tinawag na "living soul" (Gen.2:7) kundi ang mga hayop (Genesis 9:9–10) Dahil pareho ito ng proseso sa pagkakalikha, pinanggalingan at doon din mauuwi (Ecc. 3:19-21). Naisip niyo ba na ang mga "Hayop" na may "Kaluluwa/Soul" eh katulad din ng argumento ni Yohanes sa mga tao?. Meron din bang mala "casper the friendly ghost" na tinaglay ang mga ito? kung meron, kaya kaya patunayan ni Yohanes kung nasan ang mga "Kaluluwa/Soul" nito biblikal? Maraming katanungan kung uusisahin pa yan (Judgement, Resurrection and Salvation). Ayon sa pag baha 8 na "Kaluluwa/Soul" lamang ang naligtas (1 Peter 3:20). Bakit 8 "kaluluwa/soul" lamang samantalang may mga hayop na kasama sila Noah?. Simple lang ang "Kaligtasan" ay ibinigay lamang sa mga tao (Titus 2:11etc). Ano pa? pinalalabas din ng talata (1 Peter 3:20) na ang ibang "Soul/Kaluluwa" ay hindi naligtas, sapagkat 8 "kaluluwa/soul" lang ang naligtas, EDI kung hindi naligtas ang "kaluluwa/Soul" ng iba, saan hindi naligtas ang "kaluluwa/soul" ng iba? 1st death o 2nd death? Kamot ulo ngayon si Yohanes kung sasabihin niyang 1st death, hindi nga immortal ang "kaluluwa/Soul" kung sasabihin niyang 2nd death, bakit pa kailangan aralan ng ebanghelyo ni Cristo kung hindi na pala ligtas sa 2nd death.

    PAGLILINAW SA MALING UNAWA (Matthew 10:28):

    Ang talatang (Matthew 10:28) ay hindi nangangahulugan na immortal ang "kaluluwa/soul", isinalaysay lamang ni Hesus kung ano ang (hindi) kayang gawin ng tao sa "kaluluwa/soul" sa kayang gawin ng Diyos "kaluluwa/soul" batay sa IKALAWANG KAMATAYAN AYON SA KONTEKSTO. Natural lang na hindi talaga kayang gawin ng tao na patayin ang "kaluluwa/soul" sapagkat ang Diyos ang may kakayanan dito sa IKALAWANG KAMATAYAN (Eze. 18:4,20). Nangangahulugan bang sa IKALAWANG KAMATAYAN lang mamatay ang "Kaluluwa/soul"? Hindi, bukod sa (1Peter3:20) na 8 "Kaluluwa/Soul" lang ang naligtas at sa "Soul/Kaluluwa sa Dugo" (Deut. 12:23). Magkakaron lamang ulit ng "Buhay/Life" ang mga namatay sa araw ng paghuhukom (Acts 24:15). Sapagkat pagkatapos mamatay ng tao ang kasunod nito ay kahatulan (Hebreo 9:27). Kailan man ay hindi na sila makakatanggap pa ng katotohanan kapag sila ay bumaba sa HUKAY.

    "Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan." - Isaiah 38:18




    PAGBAGSAK NG ARGUMENTO NG NEGATIBO:

    Ayon sa (Heb 9:27) Dinetalye ng Diyos ang susunod na magaganap sa sangkatauhan pagkatapos nilang mamatay yan ang "kahatulan". Bakit kahatulan sapagkat ang tao kapag namatay ay "WALA" ng nalalaman sa kahit anong bagay (Ecc 9:5). Hindi lang basta nalalaman pa sa kanilang mga nakaraan kundi WALA naring "malalaman pa" sa mga susunod na yugto ng buhay nila ukol sa katotohanan (Isaiah 38:18). Kaya hindi totoo na ang tao kapag namatay ay may kakayanang pang makaunawa ng katotohanan sa ikaliligtas nito, sapagkat kung ano man ang kabutihan at kasamahan na ginawa nila ng sila ay nabubuhay ay dadalhin yan sa kahatulan ng Diyos (Ecc. 12:14) na naka record sa libro (Rev 20:12). Kaya hindi puedeng i-ichupwera ng Diyos yung mga kasalanang kinamatayan ng mga tao sa panahon ni Noah upang bigyan pa ng chansa sa kaligtasan sa pamamagitan (daw) ng ebanghelyo ni Cristo, sapagkat kung saan kautusan na panahon pumapaloob ang isang tao (halimbawa panahon ni Noah) doon sila hahatulan at hindi sa ibang kautusan (kautusan sa panahon ni Cristianismo) (Roma 2:12). 

    BUNGA NG ARGUMENTO NG NEGATIBO:

    Makikita natin dito kung anong klaseng argumento at Diyos meron ang mga ADD:

    - Ang Diyos ay Diyos ng katwiran at hukom (Psalm 50:6), pero batay sa aking ka debate ang binigyan lang ng chansa upang turuan ng ebanghelyo ni Cristo ay yung mga taong suwail na namatay bago kamatayan ni Cristo.
    Yohanes wrote:para sa akin:WALA ako sinulat o idea man lang na sinabi ko "KASALI" ang mga PATAY sa kasalukuyan,ang usapan na binabanggit ni Pedro mga namatay na suwail sa unang panahon BAGO pinatay ang Cristo.
    Makikita natin kung pano gumawa ng kasinungalingan ang ating kaibigan sapagkat sinabi niya "Bago" pinatay ang Cristo yun lamang daw ang "kasali", kapag sinabing "bago pinatay ang Cristo" maraming panahon na ang lumipas yan ang panahon ng mga magulang, patriarka hanggang sa panahon ng mga propeta. Pero ano ang sabi ng biblia? Ang mga "suwail" na napahamak na binabanggit doon ay yun lamang sa panahon ng baha o panahon ni Noah (1 Pedro 3:20). Eh kung ipagpipilitan niya yan walang problema kalaban niya ang kasulatan at kung sasabihin niya na hindi kasali ang panahon nila Abraham hanggang sa mga propeta. Edi HINDI na Diyos ng katwiran at hukom ang Diyos sapagkat sa Panahon ni Lot maraming mga suwail ang nilipol din ng Diyos na hindi sumunod sa utos ng Diyos. Pero may mailalabas bang talata ang kaibigan natin na si Cristo ay nagturo sa panahon ni Lot hanggang sa kasalukuyan bago ang kamatayan ni Cristo sa mga suwail? Isa lang ang siguraong sagot dyan "ASYUMING" na talata na wala namang sinasabi bakit kamo? labag sa talata:

    Roma 2:12 - " ... ANG LAHAT NA NAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY HAHATULAN SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN."

    Biro mo yun hindi naman sila saklaw o nasa ilalim ng kautusang Christianismo pero yun yung kautusan(ebanghelyo) na dapat ituro sa kanila para sa kaligtasan.

    - Iron Solomon
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Wed May 14, 2014 12:04 pm

    <<2ND REBUTTALS NG NEGATIBO-Part1>>

    In this last rebuttals,gusto kong “LALONG IBAGSAK” ang paniwala ng kaibayo na ang ‘ESPIRITU na bigay ng Dios ay hiningang sangkap “LAMANG” daw(no being) na ibinigay sa ilong ng tao para mabuhay’.


    » » 1. HINDI MAPAMALIAN NG APIRMATIBO>SPIRIT-A BEING



    |1Co 2:11  Sapagka't sino sa mga tao ang {NAKAKAKILALA} NG MGA BAGAY NG TAO,kundi {ANG ESPIRITU NG TAO}, NA NASA KANIYA? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman,maliban na ng Espiritu ng Dios.|



    >>PAGTATAYO: Merong “EXISTING” na “BEING” na {ESPIRITU NG TAO} na NASA TAO.MAY KAMALAYAN ito kasi NAKAKAKILALA ng mga bagay ng tao.Katunayang MAY KAMALAYAN,NAGPAPATOTOO nga ito kasama ng ESPIRITU NG DIOS eh;



    |Rom 8:16  Ang Espiritu rin ANG {NAGPAPATOTOO} KASAMA NG {ATING ESPIRITU},na tayo'y mga anak ng Dios:|


    >>PALPAK ang paniwala ng kaibayo na ‘hininga’ LAMANG ang “espiritu” kasi nga NAKAKAPAGPATOTOO eh.

    |2Co 7:1  Yamang taglay natin ang mga pangakong ito,mga minamahal,ay {MAGSIPAGLINIS} TAYO SA LAHAT NG KARUMIHAN NG LAMAN AT NG {ESPIRITU},na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.|


    |1Co 7:34 - {upang siya'y maging banal SA KATAWAN AT SA ESPIRITU man}|


    >>Ayon kay Pablo,kasama sa dapat linisin,maging banal ay ang ESPIRITU.Kaya hindi lang basta HININGA na ‘walang malay’ ang espiritu na bigay ng Dios kundi isa itong ‘BEING’ na kailangang MALINIS.

    Kaya nga SAKTO ang panalangin ng lingkod eh,sabi;



    |Psa 51:10  Likhaan mo ako ng isang malinis na puso,Oh Dios;AT MAGBAGO KA NG ISANG MATUWID NA ESPIRITU SA LOOB KO.|


    >>nasaan?MERONG ESPIRITU NA {NASA LOOB} ng isang TAO,YUN NGA ANG ESPIRITU NG TAO na NALILINIS AT NABABAGO.Yun nga ang lalong MAHALAGA sa paningin ng Dios;

    Saan sa loob ng tao?


    |1Pe 3:4  Kundi ang {PAGKATAONG NATATAGO SA PUSO} na may damit na walang kasiraan NG {ESPIRITUNG} MAAMO AT PAYAPA,na MAY MALAKING HALAGA SA PANINGIN NG DIOS.|

    >> “PAGKATAO” nga eh,meaning “BEING” yan na ESPIRITU na NASA PUSO!

    |2Co 7:13  Kaya't kami'y pawang nangaaliw:at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito,sapagka't ANG KANIYANG ESPIRITU ay INALIW ninyong lahat.|

    >>Illogical na naman na isipin ng kaibayo na yung inaliw na ESPIRITU NI TITO ay ang ‘hininga’ niya.

    Maski si Pablo ay inaliw ang KANYANG ESPIRITU(1Cor16:18)

    |1Co 14:14- “NANANALANGIN ANG AKING ESPIRITU”-sabi ni Pablo|


    >>See?!NAKAKAPANALANGIN pa nga po ang ESPIRITU NI PABLO eh tapos ‘hininga’ perse lang yan na walang malay??MALI.

    |Act 17:16 ...,ay NAMUHI ANG KANIYANG ESPIRITU SA LOOB NIYA sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan.|


    >>kung ‘hininga’ perse lang yan,HINDI sasabihin na NAMUHI ANG ESPIRITU NI PABLO NA NASA LOOB NIYA(hindi sa ilong).


    [[kundi isang “Hininga” na inilagay “lamang” sa ilong ng tao upang mabuhay]]


    “DEBUNKED” talaga ang paniwala ng kaibayo na ‘hininga na sangkap lamang’ ang espiritu na bigay ng Dios sa ilong.ULITIN,NASA LOOB nga eh,ESPIRITU  NA NASA PUSO(HINDI SA ILONG)

    Maaring sabihin ng kaibayo,eh ESPIRITU NG TAO naman yan at HINDI KALULUWA ng TAO.

    “INTERCHANGEABLY”,pwede sabihin po yan gaya ng SOFTWARE sa PROGRAM(OS).Yung Program,Software yun eh,gaya rin naman ng KALULUWA NG TAO,ESPIRITU NG TAO yun na nasa LOOB NG TAO.Sabi ni Pedro, “PAGKATAONG NASA PUSO”.


    Ang HINDI naituro sa kaibayo,hindi HININGA perse LAMANG ang binigay ng Dios na espiritu sa tao KUNDI isang ESPIRITUNG KALAGAYAN na may kamalayan na KAHIT PATAY NA ANG KATAWANG LUPA AY BUHAY ITO AT MAY KAMALAYAN(NAGSASALITA PA NGA EH).



    » »2.ABEL SPOKE EVEN AFTER DEATH


    |Heb 11:4  Sa pananampalataya SI ABEL ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid,NA NAGPAPATOTOO ANG DIOS TUNGKOL SA KANIYANG MGA KALOOB:{AT SA PAMAMAGITAN NITO PATAY NA SIYA AY NAGSASALITA PA.}|


    >> Pansinin:Si ABEL “mismo” ang nagsasalita HINDI yung dugo ayon sa sitas(for you,simbolikal na magsalita ang dugo kasi eh).HINDI yan symbolical,nung mamatay ang KATAWANG LUPA ni Abel,HINDI napatay na kasama by Cain ang KALULUWA ni Abel-Mat10:28.

    Ito ang BUHAY NA UMIIRAL na SUMISIGAW NG KATARUNGAN sa Dios-Apoc6:9-11.

    Sa puntong ito,HINDI  NAPATUNAYAN ng kaibayo na NAPUPUKSA na kasama ang KALULUWA NG TAO sa 1ST DEATH.

    Specific naman ang tanong ko kaluluwa(G5590),ang sagot ng kaibayo,aba gineneralized na.Ang HINDI matutulan,HINDI kasamang napupuksa ang KALULUWA(G5590) sa UNANG KAMATAYAN.

    EH MERON ba talagang ESPIRITUNG KALAGAYAN(may kamalayan) ng mga NAMATAY na?(dagdagan pa ang mga prueba);


    |Luk 1:17  At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha NA {MAY ESPIRITU} AT KAPANGYARIHAN NI ELIAS,upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak,at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid,upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.|



    >>Si Juan Bautista ay TINAGLAY niya ang ESPIRITU at KAPANGYARIHAN ni Elias.HINDI “HININGA” NI ELIAS ANG NATAGLAY NI JUAN KUNDI KANIYANG ESPIRITU gaya ng naganap din na nauna kay Eliseo(2Kings2:15- The spirit of Elijah doth rest on Elisha).

    At kaya TOTOO na MAYROONG ESPIRITUNG KALAGAYAN ang mga namatay kasi nakausap nga ng P.Jesus si ELIAS PATI SI MOISES na NAPAKITANG MAY KALUWALHATIAN.
    MAY KAMALAYAN yan,NAKIPAG-USAP nga eh.

    NAPAKASABLAY ang APIRMATIBO na isipin na “ESPIRITU=HININGA”  ay “SANGKAP LAMANG” daw na bigay ng Dios sa tao.



    » »3.TOTOONG NAKITANG GISING,HINDI PIKITMATANG-TULOG

    [Nakita nila ito sa pamamagitan ng “Vision” o “Pangitain” habang naka pikit ang kanilang mga mata.]

    >>Haha..HINDI ko napigilan ang mapatawa.Akalain mo, ‘nakita’ nga eh tapos NAKAPIKIT?MALI!!

    Yan ang napapala ng nagpapalusot.Bakit BUTAS ang palusot?EH KASI TOTOONG GISING SILA..

    |Luk 9:32  Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: {DATAPUWA'T NANG SILA'Y MANGAGISING NA TOTOO} ay {NAKITA NILA} ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya.|



    >>kitam!NANGAGISING NA TOTOO nga eh,tapos NAKAPIKIT??!naku po.

    At huwag  “ITAGPI” ang Dan7:15 kasi WALA ULAT NA TULOG AT NAKAPIKIT si DANIEL dun.



    [[Hindi sa pamamagitan ng mga “mata” kundi ng mga pangitain through “mind” tulad ng kay Propeta Daniel(Dan. 7:15)]]


    >>Katunayang PALPAK ang dekwat ng sitas,HINDI through “mind” yang pangitain kasi NAKITA ni Daniel yan sa ALAPAAP SA LANGIT;

    Dan 7:13  Ako'y {NAKAKITA SA PANGITAIN sa gabi}, at, NARITO, LUMABAS NA KASAMA NG MGA ALAPAAP {SA LANGIT}...



    KAYA NGA VISION,“MATA” ANG GINAGAMIT,HINDI “MIND”.



    <<2ND REBUTTALS NG NEGATIBO-Part2>>

    » » 4.FALLACY


    HUWAG KALIMUTAN:FALLACY ang inabot ng kaibayo sa pagsasabing SINABI KO RAW na ‘TUMUTUKOY DIN sa emosyong naramdaman ang kaluluwa’.


    [[...sinasabi niyo yan po ay tumutukoy din sa emosyong nararamdaman]]
    versus
    [[...KALULUWA NG TAO,isang BEING na “taglay” ang buhay,kamalayan,kaisipan at DAMDAMIN.]]

    MALI siya!HINDI ganun,TAGLAY ANG KAISIPAN AT DAMDAMIN..HINDI KO SINABI NA “YUN DIN ANG DAMDAMIN”;ang paniwala ko ang kaluluwa ‘KALAKIP NITO ANG KAMALAYAN AT DAMDAMIN’.

    MAGKAIBA YAN..para sa akin,FALLACIOUS YAN..at HINDI niya napatunayan na sinabi ko “TUMUTUKOY DIN” SA NARARAMDAMAN ANG KALULUWA. Saka huwag niya idamay mga KALULUWA ng mga hayop,YUMAONG mga TAO ang TEMA natin.Pwede kong sagutin ang ukol dyan sa ibang pahina.

    Ang istilo kasi ng kaibayo,kunwari mamarali ako ang dekwat-tagpi para PAGTAKPAN ang mga MALI-MALI at FALLACIOUS na mga pinagsasabi.

    Sino kaya may weak reading comprehension?hehe.



    » »5.MANY SPIRITS


    [[Marami pa kaya hindi lang "Hininga" o "Espiritu" ang siyang ibinigay ng Diyos sa mga tao sa kanilang pag iral sa mundong ito. Ibat ibang klase pa......VERSUS.....isang “Hininga” na inilagay “lamang” sa ilong ng tao upang mabuhay]]

    >>Entonses,ESTOPPED uli ngayon ang kaibayo na HINDI HININGA(na nasa ilong) “LAMANG” ang ESPIRITU na bigay ng Dios.

    Ayon kasi sa 1ST STAND niya na it seems KINO-KONTRA na niya ayon sa sagot niya ngayon,ang composition lang ng tao HININGA at ALABOK,pag namatay daw yung tao,babalik yung ESPIRITU na HININGA “LAMANG” na sangkap na espiritu na bigay ng Dios.

    So UMAAMIN na ngayon ang kaibayo na HINDI lang pala HININGA ang bigay ng Dios na ESPIRITU kundi “MARAMI” at “IBAT IBANG KLASE” pa nga raw.


    BAGSAK uli ang tinitindigan ng kaibayo na HININGA “LAMANG” ang espiritu na bigay ng DIOS, sabi niya ngayon  “MARAMI..IBAT IBANG KLASE PA”.


    » »6."ESPIRITU NG DIYOS" ≠ "ESPIRITU NI CRISTO"

    >>Roma8:11: " ang Espiritu NIYAONG BUMUHAY na maguli kay JESUS”-


    Entonses,MAGKAIBA ng ESPIRITU ang AMA at P.Jesus.MALI ka uli sa patunog mo na yan.Sa ibang pahina,MAPAPAMALIAN LALO uli yan.


    » »7. "BINUHAY SA ESPIRITU"


    [["Binuhay sa Espiritu" YAN YUNG pagpatay sa mga "gawa ng laman" o "kasalanan"]]


    >>MALING DEDUCTION na naman yan.LUMALABAS,may kasalanan si Cristo,kasi “BINUHAY SIYA SA ESPIRITU”(1Ped3:18)
    KUNG ano na lang ata masabi!naku po.


    Ikaw itong nagsali sa mga kasalukuyan sa tanong,ang SAGOT ko ‘BAGO NAMATAY ang Cristo’ w/c is SAKTO naman kasi panahon yun ni Noah,minamali mo!Ikaw pala itong MAGULO magtanong eh.


    [[“Edi HINDI na Diyos ng katwiran”... Pero may mailalabas bang talata ang kaibigan natin na si Cristo ay nagturo sa panahon ni Lot?]]

    >>Ikaw na mismo sumagot sa tanong mo!DIOS pala Siya ng katwiran,kaya kung nangaral sa panahon ni Noe,unfair naman na HINDI pangaralan ang panahon ni Lot-(w/c is BAGO pa rin yan before Christ’s death)

    *Heb9:27=TAKDA sa tao yan.

    *Ecc9:5,Isa38:18-PATAY-yan yung KATAWAN(San2:26)

    *Rom2:12-HINDI IPINANGARAL na KAUTUSAN yan

    Ang IHAHATOL-yung NAIPANGARAL na NARINIG(Juan12:48).


    [Hangal lang ang magsasabi na ang terminong "Pneuma" eh ukol lamang sa "Hininga"]

    VERSUS


    [HININGA-ay "pneuma (4151)"..."Hininga" na isang “sangkap lamang” para magkaron ng buhay ang isang tao]

    >>MADLANG PIPOL na nga HAHATOL SINO ANG “HANGAL” na maysabi nyan!

    IRREFUTABLE,MAY BEING ang ESPRITUNG KALULUWA.This EXISTS ALIVE and FULLY AWARE even beyond 1st death(Apoc6:9-11).
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Thu May 15, 2014 4:24 am

    KONKLUSYON:

    >> KONTRADIKSYON SA PAKAHULUGAN AT PROSESO:

    Yohanes: Ang "patay" (1Pedro4:6) ay ginawang literal,para sa mga "nalagutan ng hininga".
    ***VERSUS
    • (Efeso2:1): Ang patay na tinutukoy pala sa (1Pedro4:6) ay figurative tungkol sa mga taong buhay pa na sumalangsang at nagkasala.
    ___________________

    • Yohanes: Puede pang makaasa ng katotohanan ang mga taong patay na (nalagutan ng hininga)
    ***VERSUS
    • (Isaiah 38:18): "Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.
    ___________________

    • Yohanes: Pagkamatay ng mga taong suwail, (panahon ni Noah) pagkatapos nito ay tuturuan sila ng ebanghelyo ni Cristo.
    ***VERSUS
    • (Hebreo 9:27): "Itinakda na minsan lamang mamatay ang tao at pagkatapos nito ay ang kahatulan.
    ___________________

    • Yohanes: "Bilangguan (literal)" ito (daw) ay "lugar" para sa mga taong "patay na".
    ***VERSUS
    • (Roma 7:23-24): (Figurative) Bilanggo sa kautusan ng kasalanan at (Isaiah 42:7) Bilanggo sa kadiliman para sa taong buhay na makasalanan at sumalangsang.
    ___________________

    • Yohanes: Boses ng kaluluwa para sa katarungan (Apoc. 6:9-10) "Literal daw" na katulad ni "Casper the friendly ghost na nagsasalita at umiiyak.
    ***VERSUS
    • (Gen. 4:10): Inanimate object naman pala tulad ng Dugo ni Abel na nagsasalita para sa katurungan(Gen. 4:10), ang karunungan na nagsasalita sa libro ng kawikaan.

    >> KONTRADISYON SA KALIGTASAN:

    • Yohanes: Si Cristo nagturo na kahit hindi lahat maganap ang utos ay may kakayanan maligtas sapagkat mga patay nanaman sila.
    ***VERSUS:
    • (Mateo 28:30): "...Turuan ninyo sila na ganapin ang LAHAT ng mga bagay na aking iniutos sa inyo."
    ___________________

    • Yohanes: Makakagawa pa ng mabuti kahit wala na ang katawan yan ang pagsampalataya:
    ***VERSUS
    • (2Corinto 5:10): Ang gawang mabuti at masama ay magagawa lamang kapag nasa "katawan".
    ___________________

    • Yohanes: Makakapuri pa sa pangalan ng Diyos kahit wala na ang katawan dahil namayapa na.
    ***VERSUS:
    • (Psalm6:5) "Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?"
    ___________________

    • Yohanes: Ang nagkasala sa panahon ni Noah ay puedeng tumanggap ng ibang kautusan kahit wala sila sa ilalim ng kautusan sa panahon nito upang doon hatulan.
    ***VERSUS
    • Roma (2:12): "..Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan.."
    ___________________

    • Yohanes: Ang ebanghelyo ay hindi (lang) para sa Hudyo at Hentil para rin sa mga ninuno na hindi pa tinawag na Hudyo at Hentil.
    ***VERSUS
    • (Roma 1:16): "..Ang ebanghelyo ay una para sa Hudyo sunod sa Hentil".

    >> KALULUWA:

    • Yohanes: Immortal (daw) ang kaluluwa.
    ***VERSUS
    • (1Peter 3:20): Walong kaluluwa lang ang nakaligtas. Ang kaluluwa/Buhay ay nasa Dugo (Deut.12:23), kung ang ibang pinaguukulan ng terminong "Kaluluwa" ay nasa "Dugo", Ang dugo ay napupukaw o nawawala kapag dumikit na sa alabok (Psalm 30 :9)
    ___________________

    STRAW MAN FALLACY PARA SA NEGATIBO:

    • Yohanes: Ang "Espiritu" ay "Hininga" lang batay kay Iron Solomon.
    ***VERSUS
    • Iron Solomon: Ang "terminong "Espiritu" at "Kaluluwa" ay maraming pinag uukulan at interchangeable term. (basahin ang kabuuhan ng debate)

    Dahil sa kakulangan ng bilang na dapat pa natin patotohanan, ang patotoo ng negatibo ay kulang ng kulang at sundan na lamang natin dito:https://doz1914.forumtl.com/

    Iron Solomon
    YohanesVaiYngwie
    YohanesVaiYngwie


    Posts : 10
    Join date : 04/03/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by YohanesVaiYngwie Tue Jun 03, 2014 3:32 am

    <<CONCLUSION NG NEGATIBO>>

    Ang katotohanang itinuturo ng Biblia ay ang tao ay may ESPIRITUNG KALAGAYAN(taglay ang kamalayan at damdamin) kahit pa namatay na katawang-laman nito.Ang ESPIRITU na humihiwalay sa katawan ay HINDI HININGA perse na walang ‘being’ kundi ito ay MAY KALAGAYAN na inilalagay ng Dios sa LOOB NG TAO(1Cor2:11,Rom8:16).Ito ang ‘pagkatao’ na ESPIRITU ng TAO na NAKATAGO SA PUSO na may malaking halaga sa Dios(1Ped3:4,2Cor4:16).


    <<MGA SABLAY NA TURO ng INC14>>


    » »1.Iron:Namamatay ang kaluluwa

    •Biblia:HINDI NAMAMATAY ANG KALULUWA(Mat10:28)

    » »2.Iron:Walang BEING ang ESPIRITU(sangkap lamang na hininga sa ilong)

    •Biblia:May KAMALAYAN at KALAGAYAN ang Espiritu ng Tao(1Cor2:11,1Ped3:4)


    » »3.Iron:Isa38:18,Ps6:5-pag namatay na,wala ng pag-asa

    •Biblia:1Ped3:19-may mga namatay(Noah’s time) na pinangaralan ni Cristo(ang patay-KATAWAN,BUHAY ang ESPIRITU,ang BUHAY nakakapuri sa Dios).

    » »4.Iron:Figurative ‘death and prison’ ang nasa 1Ped3:19

    •Biblia:MGA PATAY SA LAMAN ang pinangaralan(Noah’s time nga eh) at WALA na pinangaralan si Cristo pagkabuhay sa patay na mga ‘bilanggo sa kasalanan’.Takenote:SI CRISTO mismo NANGARAL sa kanila ng EVANGELIO(1Ped4:6).Huwag lumundag sa Efeso2:1.IBANG usapan yun.

    » »5.Iron:HAHATULAN ANG LAHAT AYON SA KAUTUSAN(Rom2:12)

    •Biblia:Ang IHAHATOL-YUNG NARINIG NA IPINANGARAL(Juan12:48),WALA namang KAUTUSAN NA IPINANGARAL sa mga tao in Noah’s time gaya ng Evangelio.IBA ANG ISINULAT SA PUSO(Rom2:12) na KAUTUSAN sa IPINANGARAL.Hint:next verse in Rom2:16;EVANGELIO ang IHAHATOL.


    » »6.Iron:WALANG HUGIS at KAMALAYAN ang KALULUWA

    •Biblia:NAKITA nina Pedro sina Elias at Moises(Luk9:30-32).Narinig at nakita din ni Juan ang mga KALULUWA(Apoc6:9-11)


    » »7.Iron:HINDI makagawa ng mabuti pag wala KATAWAN(laman)

    •Biblia:the SPIRIT of ELIJAH ay nataglay ni JuanBautista.At WALA katawang(laman) si Cristo nung MAGPAKITA kay Pablo(Gawa9:4-17).



    <KONTRAHAN MODE>


    » »Iron1:ESPIRITU O “ISANG Hininga”(sa ilong)-sangkap LAMANG NA INILAGAY(IBINIGAY) para mabuhay(Luk23:46)[read Intro(1stpost) of Iron]


    ...versus...

    Iron2:MARAMI BIGAY NA ESPIRITU,IBAT IBANG KLASE

    Rev 14:13...MAPAPALAD ANG MGA PATAY NA NANGAMAMATAY SA PANGINOON MULA NGAYON: OO, SINASABI NG ESPIRITU, UPANG SILA'Y {MANGAGPAHINGA} SA KANILANG MGA GAWA;...


    >>ang sabi ‘MAGPAPAHINGA sa GAWA’ ang mga yumao.PAG NAGPAPAHINGA ka ba,mawawala na ba ISIP AT DAMDAMIN MO?HINDI naman eh.PAHINGA ka lang,pero anytime PWEDE ka naman GISINGIN o PAGAWAIN uli eh.

    Yung mga NAMATAY ay UMIIRAL ang kanilang KALULUWA na taglay ang KAMALAYAN ay PINAPAGPAHINGA muna ng sandaling panahon bago ang paghuhukom(Rev6:9-11).Ang PATAY lang naman ay ang KATAWAN,pero buhay ang KALULUWA taglay ang kamalayan,damdamin at hininga ng buhay na bigay ng Dios.

    AKING NAPATUNAYAN NA MAY ESPIRITUNG KALAGAYAN pagkamatay ng tao ayon sa Biblia.Ito yung PAGKATAO(BEING) NA NASA LOOB NG TAO NA ESPIRITUNG BIGAY NG DIOS(1Cor2:11,1Ped3:4).Sa ibang termino ng Biblia,ITO YUNG KALULUWA na humihiwalay sa tao pagkamatay na may KAMALAYAN(Rev6:9-11)

    Ang finish line:ANG ESPIRITUNG KALAGAYAN(KALULUWA o ESPIRITU NG TAO) AY MAKAKASAMANG MAGHARI NI CRISTO,at HANGGANG DOON SA PARAISO.Sa mga HINDI maliligtas,ITO rin yung kasamang mapupuksa ng katawan na binuhay mag-uli sa impierno(Mat10:28)

    Ito ang TUNAY na KASAYSAYAN ng ESPIRITUNG KALAGAYAN na bigay ng Dios sa TAO sa pag-iral nito sa lupa.HINDI umiral ang tao na parang HAYOP na pag namatay,tapos na ang kasaysayan.

    To readers,pls read the debate in whole,para HINDI mailigaw sa mga FALLACY,MALING DEDUCTION at KONTRA-KONTRA ng kaibayo.

    *Remaining questions will be answered separately


    Salamat sa Talakayan!(kay Ka Iron at kay Bro Bernard)

    TO GOD BE THE GLORY!
    March 29,2014
    I-Solomon
    I-Solomon
    Admin


    Posts : 83
    Join date : 28/02/2014

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by I-Solomon Tue Jun 03, 2014 10:18 am

    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) 13111

    Sponsored content


    I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD) Empty Re: I-Solomon (INC) vs YohanesVaiYngwie (ADD)

    Post by Sponsored content


      Current date/time is Thu Nov 21, 2024 11:07 am