TAMPOK NA PAKSA
Ang Ginawa ng Diyos Para sa Iyo
“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na anak upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16, Ang Biblia.
Isa ito sa pinakapopular at pinakamadalas sipiing teksto sa Bibliya. Sinasabi na walang ibang teksto ang “nakapaglarawan sa iilang salita ng kaugnayan ng Diyos sa mga tao at ng daan ng kaligtasan.” Dahil diyan, sa ilang bansa, ang mga salita sa tekstong ito o ang pagtukoy sa “Juan 3:16” ay madalas idispley sa mga pampublikong okasyon, istiker ng kotse, graffiti, at iba pa.
Malamang, kumbinsido ang mga nagdidispley ng tekstong ito na ang pag-ibig ng Diyos ay garantiya ng kanilang walang-hanggang kaligtasan. Kumusta ka naman? Ano ang kahulugan sa iyo ng pag-ibig ng Diyos? Ano sa palagay mo ang ginawa ng Diyos para ipakita na mahal ka niya?
“GAYON NA LAMANG ANG PAGSINTA NG DIOS SA SANGLIBUTAN”
Kinikilala ng maraming tao na ang Diyos ang gumawa ng uniberso, kalikasan, at ng tao mismo. Napakakomplikado at napakahusay ng pagkakagawa sa nabubuhay na mga organismo na nagpapatunay na may napakatalinong gumawa nito. Maraming tao ang araw-araw na nagpapasalamat sa Diyos dahil sa regalong buhay. Alam din nilang nakadepende sila sa Diyos sa lahat ng pangangailangan nila sa buhay—hangin, tubig, pagkain, at likas na mga siklo ng lupa—para patuloy na mabuhay at masiyahan sa ginagawa nila.
Makabubuting pasalamatan natin ang Diyos sa lahat ng ito, dahil siya ang ating Maylikha at Tagatustos. (Awit 104:10-28; 145:15, 16; Gawa 4:24) Mapahahalagahan natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin kapag inisip natin ang lahat ng kaniyang ginagawa para maging posible ang buhay. Ganito ang sinabi ni apostol Pablo: “[Ang Diyos] ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga at ng lahat ng mga bagay. Sapagkat sa pamamagitan niya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral.”—Gawa 17:25, 28.
Gayunman, ang pag-ibig ng Diyos ay makikita hindi lamang sa pangangalaga niya sa atin sa pisikal. Binigyan din niya tayo ng dangal at nilalang tayo na may pagnanais na sumamba sa kaniya. Naglalaan din siya para masapatan ang espirituwal na pangangailangan natin. (Mateo 5:3) Kaya ang masunuring sangkatauhan ay maaaring maging bahagi ng pamilya ng Diyos, maging “mga anak” niya.—Roma 8:19-21.
Gaya ng sinasabi sa Juan 3:16, ipinakita ng Diyos ang pag-ibig niya sa atin nang isugo niya ang kaniyang Anak, si Jesus, dito sa lupa para turuan tayo tungkol sa kaniyang Diyos at Ama, at mamatay para sa atin. Pero inaamin ng marami na hindi nila talaga nauunawaan kung bakit kailangang mamatay si Jesus para sa sangkatauhan at kung paanong ang kamatayan niya ay kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos. Tingnan natin ang paliwanag ng Bibliya tungkol dito.
“IBINIGAY NIYA ANG KANIYANG BUGTONG NA ANAK”
Lahat ng tao ay mortal, nagkakasakit, tumatanda, at namamatay. Pero hindi iyan ang orihinal na layunin ng Diyos na Jehova. Binigyan niya ang unang mga tao ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa paraisong lupa, sa isang kondisyon: Kailangan silang sumunod sa kaniya. Sinabi ng Diyos na kung hindi sila susunod, mamamatay sila. (Genesis 2:17) Nagrebelde sa Diyos ang unang tao, na naging dahilan ng kamatayan niya at ng kaniyang mga anak. “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala,” ang paliwanag ni apostol Pablo.—Roma 5:12.
Gayunman, ang Diyos ay “maibigin sa katarungan.” (Awit 37:28) Bagaman hindi ipinagwalang-bahala ng Diyos ang sadyang pagkakasala ng unang tao, hindi niya hinatulang magdusa at mamatay magpakailanman ang lahat ng tao dahil sa pagsuway na ito. Sa kabaligtaran, sinunod niya ang legal na simulaing “buhay para sa buhay,” at pinairal ang katarungan at ginawang muling posible ang buhay na walang hanggan para sa masunuring mga tao. (Exodo 21:23) Ang tanong ay, Paano maibabalik ang sakdal na buhay bilang tao na naiwala ni Adan? Ang sagot: Kailangang may magbigay, o magsakripisyo, ng buhay na katumbas ng kay Adan—isang sakdal na buhay bilang tao.
Nakikita ni Jesus mula sa langit na kailangan ng lupa at ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos
Pumunta si Jesus sa lupa at kusang ibinigay ang kaniyang buhay upang iligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan
Maliwanag, walang di-sakdal na inapo ni Adan ang makapagbabayad ng halagang iyon. Pero kayang gawin iyon ni Jesus. (Awit 49:6-9) Dahil hindi nagmana ng kasalanan, si Jesus ay sakdal gaya ni Adan noong lalangin ito. Sa pagbibigay ng kaniyang buhay, tinubos ni Jesus ang tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Kaya nabigyan ng pagkakataon ang mga inapo ng unang mag-asawa na magkaroon ng sakdal na buhay na taglay noon nina Adan at Eva. (Roma 3:23, 24; 6:23) May kailangan ba tayong gawin para makinabang sa gayong walang-katumbas na pag-ibig?
“ANG SINOMANG SA KANIYA’Y SUMAMPALATAYA”
Kung babalikan natin ang Juan 3:16, mababasa ang mga pananalitang “ang sinomang sa kaniya’y [kay Jesus] sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin, ang pagkakamit ng regalong buhay na walang hanggan ay may kondisyon: Kailangan nating maniwala at sumunod kay Jesus.
Baka maitanong mo: ‘Paano nasangkot ang pagsunod? Hindi ba sinabi ni Jesus na “ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya” ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan?’ Oo, mahalaga ang paniniwala o pananampalataya. Pero tandaan na sa Bibliya, ang pananampalataya ay higit pa sa basta paniniwala. Ayon sa Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words, ang salitang ginamit ni Juan sa orihinal na wika ay nangangahulugang “pananalig, hindi lang basta paniniwala.” Upang sang-ayunan ng Diyos, hindi lang pagkilala kay Jesus bilang Tagapagligtas ang kailangan. Dapat ding masikap na sundin ang turo ni Jesus. Kung walang pagkilos, walang-saysay ang anumang pag-aangkin ng isa na nananampalataya siya. “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay,” ang sabi ng Bibliya. (Santiago 2:26) Sa ibang salita, ang isa ay dapat manampalataya kay Jesus—ibig sabihin, dapat siyang mamuhay ayon sa kaniyang paniniwala at pananampalataya.
Ipinaliwanag ni Pablo: “Ang pag-ibig na taglay ng Kristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat ito ang aming inihahatol, na ang isang tao [si Jesus] ay namatay para sa lahat . . . At namatay siya para sa lahat upang yaong mga nabubuhay ay huwag nang mabuhay pa para sa kanilang sarili, kundi para sa kaniya na namatay para sa kanila at ibinangon.” (2 Corinto 5:14, 15) Ang pagtanaw ng utang na loob sa sakripisyo ni Jesus ay dapat magpakilos sa atin na magbago—mula sa pamumuhay para lang sa sarili tungo sa pamumuhay para kay Jesus, na namatay alang-alang sa atin. Ibig sabihin, kailangan nating unahin sa ating buhay ang pagsunod sa turo ni Jesus. Apektado nito ang ating mga pamantayan, pagpili, at lahat ng ating ginagawa. Ano ang gantimpala ng mga naniniwala at nananampalataya kay Jesus?
“HUWAG MAPAHAMAK, KUNDI MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN”
Binabanggit ng huling bahagi ng Juan 3:16 ang pangako ng Diyos sa lahat ng nananampalataya sa pantubos at namumuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos. Gusto ng Diyos na ang mga tapat ay “huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Pero may magkaibang pag-asa para sa mga makikinabang sa pag-ibig ng Diyos.
Sa isang grupo, nangako si Jesus ng walang-hanggang buhay sa langit. Malinaw na sinabi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga alagad na ipaghahanda niya sila ng isang dako para mamahalang kasama niya sa kaluwalhatian. (Juan 14:2, 3; Filipos 3:20, 21) Ang mga bubuhaying muli sa langit ay “magiging mga saserdote ng Diyos at ng Kristo, at mamamahala sila bilang mga hari na kasama niya sa loob ng isang libong taon.”—Apocalipsis 20:6.
Iilan lang sa mga tagasunod ni Kristo ang tatanggap ng ganoong pribilehiyo. Sa katunayan, sinabi ni Jesus: “Huwag kang matakot, munting kawan, sapagkat sinang-ayunan ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” (Lucas 12:32) Gaano karami ang “munting kawan” na iyon? Sinasabi sa Apocalipsis 14:1, 4: “Nakita ko, at, narito! ang Kordero [ang binuhay-muling si Jesu-Kristo] na nakatayo sa [makalangit na] Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo. . . . Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.” Kung ihahambing sa bilyun-bilyong nabuhay, ang 144,000 ay “munting kawan” lang. Inilarawan sila bilang mga hari, kaya sino ang pamamahalaan nila?
Binanggit ni Jesus na may ikalawang grupo ng mga tapat na makikinabang sa makalangit na Kaharian. Sinabi niya sa Juan 10:16: “Mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito; ang mga iyon din ay dapat kong dalhin, at makikinig sila sa aking tinig, at sila ay magiging isang kawan, isang pastol.” Ang mga “tupa” na iyon ay umaasang mabuhay nang walang hanggan sa lupa—ang orihinal na pag-asa nina Adan at Eva. Paano natin nalaman na ang kanilang kinabukasan ay dito sa lupa?
Madalas banggitin ng Bibliya na magiging Paraiso ang lupa. Baka gusto mong basahin sa iyong Bibliya ang sumusunod na mga teksto: Awit 37:9-11; 46:8, 9; 72:7, 8, 16; Isaias 35:5, 6; 65:21-23; Mateo 5:5; Juan 5:28, 29; Apocalipsis 21:4. Inihula sa mga tekstong iyon ang wakas ng digmaan, taggutom, sakit, at kamatayan. Ang mabubuting tao ay magiging masaya sa pagtatayo ng kanilang sariling bahay, pagsasaka ng kanilang sariling lupa, at pagpapalaki ng kanilang mga anak sa mapayapang kapaligiran. * Gusto mo ba ang pag-asang iyon? Makapagtitiwala tayong malapit nang matupad ang mga pangakong iyon.
MARAMI NANG GINAWA ANG DIYOS
Kung iisipin mo ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa iyo at sa lahat ng tao, mauunawaan mo na marami na siyang ginawa. Binigyan niya tayo ng buhay, talino, kalusugan, at lahat ng kailangan para mabuhay. Higit pa riyan, ang regalo ng Diyos na pantubos sa pamamagitan ni Jesus, na namatay para sa atin, ay maaaring mangahulugan ng higit pang pagpapala, gaya ng natutuhan natin sa Juan 3:16.
Ang buhay na walang hanggan sa mapayapa at kaayaayang mga kalagayan na walang banta ng sakit, digmaan, gutom, o kamatayan ay tiyak na magdudulot ng walang-hanggang kaligayahan at mga pagpapala. Pero nakadepende sa iyo ang pagtanggap ng mga pagpapalang iyan. Kaya ang tanong, Ano naman ang ginagawa mo para sa Diyos?