by I-Solomon Mon Mar 31, 2014 3:02 am
**ang ibong Mandaragit ** wrote:
may papatayin pa po pala ang Cristo sa kaniyang pagparito, Paanong nahayag na ang Taong maksalanan ? sA iglesiang ipinangaral ng ka felix wala ng matatalikod sa pagkahayag ng taong makasalanan ?
Hindi ko makuha ang side mo ukol sa pinag uusapan natin sa paksa pero hayaan mong gawin ko ang chronological order ng events para hindi ka naguguluhan batay sa talata:
2 Tes. 2
1) (v3)
"..ang araw na iyon ay hindi darating malibang mangyari muna ang pagtalikod.." yan ang araw ng Panginoon (v1)
2) (v3)
"..ang araw na iyon ay hindi darating malibang mangyari muna ang pagtalikod.." yan ang apostasya, pagtalikod ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo pagkawala ng mga apostol.
3) (v3)
"..mahayag ang tao ng kasalanan, ang anak ng paglipol." sa pagtalikod ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo pagkawala ng mga apostol kasabay ang kahayagan ng taong makasalanan.
4) (v4) mga palatandaan na gagawin ng taong makasalanan.
5) (v7) noong panahon ng P.Hesus at ng mga apostol ay may mga pumipigil pa rito ngunit maaalis din ang mga pumipigil sa taong makasalanan.
6) (v8) Kapag wala na ang pumipigil sa taong makasalanan ay patuloy itong mahahayag.
**ang ibong Mandaragit ** wrote: may papatayin pa po pala ang Cristo sa kaniyang pagparito, Paanong nahayag na ang Taong maksalanan ?
Walang sinasabi sa talata na mauuna ang pagpatay ni Cristo sa taong makasalanan malinaw na sinasabi sa talata na:
(v7)
"Ito ay sapagkat gumagawa na ang hiwaga ng kawalang pagkikilala sa kautusan ng Diyos. May pumipigil pa rito sa ngayon hanggang sa ang pumipigil ay maalis"